Presyo ng bawang, pumalo sa P200 kada kilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng bawang, pumalo sa P200 kada kilo

Presyo ng bawang, pumalo sa P200 kada kilo

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 07, 2017 01:39 PM PHT

Clipboard

Posibleng sa Hulyo pa bumalik sa normal ang presyo ng bawang, ayon sa Department of Agriculture.

Umabot na sa P200 per kilo ang presyo ng bawang na dating nagkakahalaga ng P140 per kilo.

Sinuyod ng DA at Bureau of Plant Industry ang mga storage facility ng mga bawang sa Tondo, Maynila para masigurong walang nangyayaring hoarding o pang-iipit ng suplay ng bawang para mamanipula ang presyo.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, walang hoarding. Kulang lang talaga ang suplay ng bawang sa bansa.

ADVERTISEMENT

Pahayag ng DA, kulang ang bawang dahil hindi nakapag-angkat ang ibang trader. Mahal umano ang presyo sa world market kasi lean season sa China kung saan nanggagaling ang malaking suplay ng bawang ng bansa.

Nasa higit 57,000 metric tons ng imported na bawang ang inaprubahang import clearance ng BPI mula Enero hanggang Mayo ngunit higit 12,000 metric tons lang ang dumating.

Nasa 6% lang ng demand sa bawang ang naisu-supply mula Ilocos region at Mindoro.

Kakausapin ng DA ang mga trader para malaman paano matutugunan ang problema sa supply.

Balak ding ipanukala ni Cayanan kay Agriculture Secretary Manny Piñol na babaan ang taripa sa imported na bawang.

Price freeze

Samantala, nilinaw naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ted Pascua, na bawal ang hoarding lalo na sa kondisyon ngayon ng Marawi sa Mindanao.

''Sa palagay ko naman ay ang ating mga kababayan ay hindi na gagawin ang pagsamantalahan ang ating kapwa kababayan na nagigipit d'yan sa gulo na nangyayari,'' ani Pascua.

Simula nang idineklara ang batas militar, magkakaroon ng price freeze sa mga pangunahing bilihin, gaya ng bigas, pagkain, tubig, piling gamot at ilan pang pangangailangan araw-araw. Magtatagal ito ng 60 araw o higit pa kung mapapahaba ang batas militar.

Hanggang 15 araw naman magkakaroon ng price freeze sa kerosene at LPG.

Ayon kay Pascua, wala pang nangyayaring panic buying sa Marawi.

-- Ulat ni Carolyn Bonquin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.