Magsasaka ang maghihirap sa tapyas sa taripa ng bigas: Drilon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magsasaka ang maghihirap sa tapyas sa taripa ng bigas: Drilon

ABS-CBN News
Published May 20, 2021 10:56 AM PHT
|
Updated May 20, 2021 11:07 AM PHT

MAYNILA - Naniniwala si Sen. Franklin Drilon na ang mga magsasaka ang mahihirapan sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang tapyasan ang taripa sa bigas na inaangkat sa ibang bansa.

“Ang ating mga rice farmers maghihirap, babaan mo ang taripa doon sa imported rice. Sa aming tingin wala namang epekto ito kung may sapat naman na supply, ang presyo will be maintained. Hindi naman tataas yan,” pahayag ni Drilon.

Nitong nakaraang Sabado nang ianunsiyo ni Duterte na kaniyang pinirmahan ang Executive Order No. 135 na nagpapababa sa taripa ng iaangkat na bigas mula sa ibang bansa sa 35 percent mula sa 40 hanggang 50 percent.

“Hindi po ba ang solusyon ay dapat gumawa tayo ng paraan para magkaroon tayo ng supisyenteng produksiyon? Pero wala tayong nakikitang puspusang taasan ang produksiyon at ang rason ng Department of Agriculture ay kulang sa pera ngyunit pagdating sa anti-insurgency fund malaking pera, meron tayong pera,” giit ni Drilon.

ADVERTISEMENT
Isa si Drilon sa limang senador na na naghihikayat kay Duterte na bawiin ang kaniyang kautusan hinggil sa pagtapyas ng taripa sa bigas.

Sa panukalang Senate Resolution 726, sinabi nina Drilon at kapwa senador Nancy Binay, Leila De Lima, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan na walang resonable at supisyenteng dahilan para ibaba ang taripa ng bigas na magiging pabigat lamang sa mga magsasaka.

“Sa bilang ng mga organisasyon, mahigit sa P500 milyon ang mawawala dahilan pag binaba natin ang taripa,” saad niya.

Dagdag ni Drilon, “Ito po ang kailangan natin sapat na supply at taasan natin ang domestic production. Walang tamang dahilan at ang masasaktan ay ang ating magsasaka sa palay.”