Farmers' group umaaray sa panibagong tapyas sa taripa ng imported rice | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Farmers' group umaaray sa panibagong tapyas sa taripa ng imported rice

ABS-CBN News
Published May 17, 2021 08:01 PM PHT

MAYNILA — Inanunsiyo ng Palasyo noong Sabado na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kautusan na muling magpapababa sa taripa ng mga bigas na iaangkat mula sa ibang bansa.

Pero sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 4.6 million metric tons ang kabuuang ani ng palay ngayong first quarter ng taon. Mas mataas ito kaysa sa inani noong first quarter ng 2019 at 2020.

Tuloy-tuloy din ang pagpasok ng mga imports, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Kaya nagtataka ang mga magsasaka dahil kung wala naman palang problema sa supply. Sabi nila, para saan ang Executive Order 135 na nagbababa sa taripa o buwis sa mga imported na bigas sa 35 percent mula sa kasalukuyang 40 percent hanggang 50 percent para sa mga bansa sa labas ng ASEAN.

Dati kasi, sa ASEAN countries lang ipinapataw ang mas mababang 35 percent na taripa.

"We need to diversify the country’s market sources, we need to augment rice supply from cheaper sources and maintain prices that are affordable so that this will reduce pressures on inflation," giit ni Dar.

Pero dahil dito, mababawasan ang rice competitiveness enhancement fund (RCEF) para sa mga magsasaka na kinukuha sa nakokolektang taripa sa bigas.

Babagsak din umano ang presyo ng palay.
Babagsak din umano ang presyo ng palay.
"Pag bumaba 'yung wholesale price dahil sa mas murang imported kailangang bumaba rin 'yung palay para hindi malugi 'yung trader, mag-a-adjust po sila ng presyo... In 1 year we produce a total of 19 million tons of palay, that's about 19 billion kilos of palay so just imagine P1 lang po na pagbaba ng palay, the farmers will be losing P19 billion," ani Raul Montemayor, national manager ng Federation of Free Farmers.

Sabi ng DA, sisiguruhin nitong hindi babahain ang merkado ng imported na bigas pagdating ng anihan sa Setyembre.

Pero duda rito ang grupo ng mga magsasaka.

"Ang gagawin lang po ng importers ay i-a-advance lang nila 'yung pagpasok ng imports, they will bring it in in July, August and ang problema po niyan pagdating ng harvest sa September flooded na 'yung market at puno na 'yung mga bodega so it will have the same effect," paliwanag ni Montemayor.
Tanong ni Sen. Kiko Pangilinan, hindi ba ulit kinokonsulta ang mga magsasaka sa usaping ito?

Delikado aniya kapag umasa ang bansa sa mga imported at tumigil magtanim ang mga magsasaka dahil sa pagkalugi.

Kaya maghahain siya ng joint resolution para bawiin ang nasabing executive order.

—Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
bigas
Philippine Statistics Authority
PSA
import
rice competitiveness enhancement fund
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT