Cimatu, sumugod sa minahan na kumalbo sa kabundukan sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cimatu, sumugod sa minahan na kumalbo sa kabundukan sa Palawan

Cimatu, sumugod sa minahan na kumalbo sa kabundukan sa Palawan

Diana Lat,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 22, 2017 07:56 AM PHT

Clipboard

Si Environment Secretary Roy Cimatu na mismo ang pumunta sa kabundukan ng Brooke's Point na kinalbo ng Ipilan Nickel Mining Corporation sa Palawan.

Ipinatitigil na ang operasyon ng mining site na kumalbo sa kabundukan ng Brooke's Point, Palawan nitong Biyernes.

Inihain ang suspension order ng tree-cutting permit at earth-balling permit ng Ipilan Nickel Mining Corporation upang huminto na sila sa operasyon.

Inihain din dito ang show-cause order at inutusan silang magpaliwanag sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi sila dapat kasuhan sa kanilang pag-operate sa kabila ng kanselasyon ng kanilang Environmental Compliance Certificate (ECC) permit.

Inihain na ang show-cause order sa Ipilan Nickel Mining Corporation nitong Biyernes.

Si Environment Secretary Roy Cimatu na mismo ang pumunta sa kabundukan na kinalbo ng minahan matapos na ilang beses tumanggi itong papasukin ang mga awtoridad ng lokal na gobyerno at DENR para mag-inspeksyon.

ADVERTISEMENT

"Hindi ko rin nagustuhan na hindi kayo pinapapasok. Iba-back up ko kayo. Be man enough to face it," ani Cimatu.

Abril 2 nang unang mag-rally ang mga residente dahil sa kabila ng kanselasyon ng ECC permit ay patuloy umano ito sa pag-operate.

Mayo 13 nang muli itong sinugod ng mga awtoridad dahil sa pagpuputol ng libo-libong mga puno. Ayon sa minahan, titigil lang sila kung magbababa ng papel ang DENR central office.

"Pagpapasok daw kami babarilin daw kami. Wala silang mayor's permit, fencing permit, tuloy-tuloy trabaho nila,” ani Mayor Jean Feliciano ng Brooke’s Point.

"We told them na tigil muna but they wrote me na abuse of authority daw ako. Nag-cut sila without the presence of DENR,” ani Felizardo Cayatoc ng Provincial Environment and Natural Resources Officer.

Ang pinanghahawakan ng minahan ay naghain sila ng motion for consideration sa kanseladong ECC at dahil walang sagot ang central office, ang pagkakaintindi nila patuloy pa rin ang bisa ng kanilang tree cutting permit na sa may 26, 2017 pa ang expiration.

“No answer si DENR so we expect na we can still operate,” ani Engr. Ferdinand Libatique, resident mine manager ng Ipilan Nickel Mining Corp.

Pero nilinaw ng Mines And Geosciences Bureau Mimaropa at DENR Mimaropa na hindi dapat sila mag-operate dahil kanselado na nga ang ECC permit nila.

"Tree-cutting permit is render[ed] void kasi considered mining iyun. Kinakagalit namin kahit DENR staff natin hindi pinapasok dito. Despite na sinulatan na itigil di sila nakikinig,” ani Natividad Bernardino, regional director ng DENR Mimaropa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.