Bicol International Airport posibleng magbubukas sa darating na Disyembre: Tugade | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bicol International Airport posibleng magbubukas sa darating na Disyembre: Tugade

Bicol International Airport posibleng magbubukas sa darating na Disyembre: Tugade

Karen Canon,

ABS-CBN News

Clipboard

Pagbisita ni DOTR Secretary Arthur Tugade sa ginagawang Bicol International Airport. Karen Canon, ABS-CBN News

BICOL - Posibleng magsimula ang operasyon ng Bicol International Airport bago matapos ang taon, pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade ngayong Biyernes matapos maginspeksyon sa pasilidad.

Ipinag-utos na ni Tugade ang 24/7 na konstruksiyon ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay. Inihayag ito ni Secretary Tugade matapos ang isinagawang onsite inspection sa BIA kaninang umaga.

Kabilang sa mga binisita ng opisyal ang dalawang project packages para sa BIA.

Ang Package 2A na sumasakop sa konstruksyon ng landslide facilities, site development at iba pang gusali ay nasa 94.40 percent complete na, at tinatayang matatapos ngayong buwan.

ADVERTISEMENT

Ang Package 2B naman, na sumasakop sa konstruksyon ng Passenger Terminal Building, runway extension, taxiway, drainage, at iba pang site development works, ay kasalukuyang nasa 68.14 percent completion rate, ani Tugade.

"Ang plano ho namin dito 'yung actual na konstruksiyon, 'yung pisikal na konstruksiyon matapos ng buwan ng Hunyo at Hulyo itong taon na to. Hangarin po namin na pag natapos ang actual at pisikal na konstruksiyon, maging operational ito by December," pahayag ni Tugade.

"Makikita niyo na marami pa ang tatapusin, ang gagawin po namin itutuloy-tuloy po namin ang tinatawag na 24/7 construction," dagdag ng opisyal.

Nanatiling banta naman ang COVID-19 na nakaapekto sa pangkalahatang estado ng air transport sa bansa. Pero ayon kay Tugade, maaari pa rin naman mag bukas ang BIA sa kabila ng pandemya.

" Alam mo naman na ang pag-operate ng paliparan sa oras ng pandemya, regulated po 'yan ng IATF na kung saan babalansehin natin yung pangangailangan ng health protocols ika nga saka 'yung buhay ng ekonomiya," ani Tugade.

'Yung katanungang pwede bang mabuhay ang operasyon ng ating paliparan sa panahon ng pandemya, opo. Balansiyado po yan ayon sa panuntunan ng local government at IATF," dagdag pa niya.

Binisita rin ni Secretary Tugade ang panukalang lugar kung saan itatayo ang PNR station sa bayan ng Daraga na bahagi ng PNR Project mula Manila hanggang Bicol.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.