Taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin inaprubahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin inaprubahan

Taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin inaprubahan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Inamin ngayong Huwebes ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaprubahan nila ang dagdag-presyo sa ilang brand ng mga pangunahing bilihin.

Kasama rito ang ilang brand ng sardinas, karneng de-lata, gatas, instant noodles, asin, detergent soap, sabong panligo, baterya at kape.

Hanggang 10 porsiyento ang pinayagang dagdag ng DTI pero ang range ng dagdag-presyo ay naglalaro sa P0.25 hanggang P1.50 kada item.

"We studied the raw materials na sinubmit nila, 'yong mga ginagamit talaga for producing these products and we saw the increases," ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.

ADVERTISEMENT

Iginiit ng DTI na dumaan sa matinding pag-aaral ang lahat ng hirit na dagdag-presyo, na kapag hindi naman pinagbigyan ay may negatibong epekto sa mga manufacturer.

"'Pag nagtuluyang magsara ang mga negosyong 'yan, totally mawa-wipe out ang kanilang labor force kaya hindi rin talaga natin puwedeng pigilin na magtaas sila ng presyo kung kailangan talaga," ani Castelo.

Tapos na ang halalan pero hindi ang kalbaryo ng mga konsumer bunsod ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Ayon sa mga negosyante, isa ito sa magiging hamon ng papasok na bagong administrasyon.

Kapag hindi raw kasi napigil ang pagsipa ng presyo ng bilihin at serbisyo, hihina rin ang benta at puwede pang mauwi sa kaguluhan.

"Baka puwedeng makiusap [na] huwag munang tuloy-tuloy ang akyat kasi hirap na ang tao. Because once tuloy-tuloy 'yan at humingi ng dagdag na suweldo ang mga tao, tutuloy-tuloy lalo, kasi you're adding fuel to fire," ani Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua.

Pinarerendahan naman ng grupong Laban Konsyumer sa susunod na administrasyon ang pagsirit ng presyo ng petrolyo.

Mula Enero 1 hanggang Mayo 12, umabot na sa P34.50 ang kabuuang taas-presyo sa kada litro ng diesel, P22 sa gasolina, at P29.75 sa kerosene.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.