Economic plan ni Marcos Jr di pa malinaw sa mga investor, business group | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Economic plan ni Marcos Jr di pa malinaw sa mga investor, business group

ABS-CBN News
Published May 11, 2022 05:25 PM PHT
|
Updated May 11, 2022 08:03 PM PHT

Mas malinaw na plano sa ekonomiya ang hinahanap ngayon ng ilang investor at business group sa papasok na bagong administrasyon.

Ayon kasi sa kanila, hindi lumahok sa karamihan na presidential debates at interviews si presumptive President Ferdinand "Bongbong" Jr kaya hindi nila alam ang detalye ng economic policy nito.

May mga plano at pangakong naka-post umano sa social media pero hindi malinaw ang detalye ng mga ito.

"The anxiety that I am feeling as an investor is that I am not hearing much on what the plan is. Unfortunately there hadn't been debates, there hadn't been a lot of media interviews granted by the incoming presumptive president," sabi ni Sandra Araullo, chief investment officer ng ATR Asset Management.

ADVERTISEMENT
"'Yong investor community is just, I'd say, still a bit anxious. Of course, hopeful. But still awaiting further details on the plans, economic plans of Mr. Marcos," anang economist na si Nicolas Mapa mula sa ING Bank.

Kaya mahalaga umanong mag-appoint ang susunod na pangulo ng tama at qualified na mga tao sa iba-ibang posisyon sa gobyerno, lalo na sa econimic team.

"We'd like to see that whoever is appointed to be part of the economic team has the same competency and leadership that has been shown by the present economic team," ani George Barcelon, president ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

" We know very well [na] napakalaki ng inutang natin, nagastos natin dito sa pandemic. 'Yon ang worry ng mga tao, how we are going to pay for this?" ani Philippine Exporters Confederation President Sergio Ortiz Luis.

Samantala, na-downgrade naman ng US financial giant na JP Morgan ang Pilipinas sa "underweight."
Samantala, na-downgrade naman ng US financial giant na JP Morgan ang Pilipinas sa "underweight."
ADVERTISEMENT
Nangangahulugan itong posibleng hindi maganda ang performance ng Philippine stock exchange sa short term dahil sa maraming rason gaya ng malaking utang ng gobyerno at mataas na presyo ng bilihin.

Ayon din sa JP Morgan, may agam-agam din ang ilang investors dahil sa kakulangan ng impormasyon ukol sa economic plans ni Marcos Jr., at ang kakulangan ng magandang track record niya bilanb opisyal ng gobyerno.

Pero para sa Fitch Solutions, inaasahan nilang itutuloy ni Marcos ang mga nagawa ni Pangulong Duterte, partikular sa infrastructure at foreign policy.

Ayon din sa National Economic and Development Authority, mahalaga ang continuity o pagtuloy sa mga programa ng kasalukuyang administrasyon.

Sana lang umano'y ilatag na ni Marcos ang kaniyang economic plan para maging mas kampante ang mga negosyante.
Sana lang umano'y ilatag na ni Marcos ang kaniyang economic plan para maging mas kampante ang mga negosyante.
ADVERTISEMENT
"Siyempre, isa rin doon, nakikita nila, may uncertainty, dahil magkakaroon nga ng pagpapalit ng administration. Pero we are hoping, bantayan nga natin iyong mga susunod na araw and probably until next week 'no, para makita natin iyong magiging trend," ani Socioeconomic Planning Undersecretary Rosemarie Edillon.

Inaayos na rin ng NEDA ang transition plan na nakatuon sa paglago pa ng ekonomiya.

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT