Presyo ng lokal na bigas sa ilang pamilihan bumaba | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng lokal na bigas sa ilang pamilihan bumaba

Presyo ng lokal na bigas sa ilang pamilihan bumaba

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bumili si Ruby Valencia ng 5 kilong lokal na bigas na tig-P36 kada kilo sa kaniyang suki sa Pasig Mega Market.

Ayon sa kaniya, kapag mahaba ang pila sa bigas ng National Food Authority, lokal na bigas na ang kaniyang binibili dahil mura naman ito.

"Bumaba na siya, parang wala siyang rice crisis," ani Valencia.

May mabibiling bigas sa halagang P34 kada kilo pataas.

ADVERTISEMENT

Mayroon ding bigas na P30 kada kilo pero ito iyong bigas na maalsa o tinatawag na laon.

Ayon sa nagtitinda ng bigas na si Rosario Montecino, bumaba ang presyo ng bigas ngayon dahil marami ang suplay.

"Bumuhos 'yong dami ng imported, bumaba 'yong local kasi madadaig sila," ani Montecino.

Pero ayon sa isa pang tinderang si Dely Villanueva, sa pagsapit ng tag-ulan malalaman kung may epekto talaga ang Rice Tariffication Act sa presyo ng bigas.

"By August siguro baka doon kumilos ang ating imported," ani Villanueva.

ADVERTISEMENT

"Hindi natin masasabi, wala pa eh, basta sa tag-ulan malalaman na natin," dagdag niya.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Act, na inaprubahan noong Pebrero, magtatanggal ng limitaston sa importasyon ng bigas kasabay naman ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.

Isa sa mga pangako ng nasabing batas ay ang pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa pagdami ng suplay sa merkado.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, depende pa ito.

"The only question there would be, would the traders be willing to go that low? Siguro 'pag stiff 'yong competition, they will be willing to go that low," ani Piñol.

ADVERTISEMENT

"We cannot project, we can only monitor," dagdag ng kalihim.

Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), ang pumasok na inangkat na bigas sa bansa ay nasa halos 170,000 metriko tonelada.

Mula raw ito sa request na 819,000 metriko tonelada mula nang ipatupad ang Rice Tariffication Act.

"From our data noong 2018, nasa 1.4 million metric tons tayo, almost namamarehas on the average," ani Gerald Glenn Panganiban, assistant director for regulatory operations ng BPI.

--Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.