Rice tariffication bill at iba pang batas, pirmado na ni Duterte

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2019 03:49 AM

MANILA - Aprubado na bilang batas ang rice tariffication bill, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea matapos pirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng batas, magtatanggal ng limitaston sa importasyon ng bigas kasabay naman ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.

Layunin ng batas na damihan ang supply ng bigas sa bansa para mapababa rin ang presyo nito sa merkado.

Bukod sa rice tariffication bill, pirmado rin bilang mga amyenda sa SSS charter, ang batas na nagtatakda ng reasonable rates para sa political advertisements at ang New Central Bank Act.

Vineto ni Duterte ang Coconut Farmers and Industry Development bill at bahagi ng Tax Amnesty Act.

Samantala, sabi rin ni Medialdea, wala pang pirma ng pangulo ang Expanded Maternity Leave Act na sa susunod na linggo pa raw nakatakdang mag-lapse into law o awtomatikong maging batas. - ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.