Negosyong semento na may sangkap na plastik, sinimulang 'walang puhunan' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Negosyong semento na may sangkap na plastik, sinimulang 'walang puhunan'

Negosyong semento na may sangkap na plastik, sinimulang 'walang puhunan'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Madalas punahin ng tao ang maganda at agaw-pansin na daanan sa Bonifacio Global City (BGC) Net Park sa Taguig City.

Pero lingid sa kaalaman ng karamihan, gawa sa recycled plastic sachets ang mga ito.

Tinatawag ang mga ito na "ecopaver," isang klase ng "ecobrick" na gawa sa grava, buhangin, semento, at mga ibinasurang plastic sachet.

Ito ang ipinagmamalaking mga imbensiyon ni Rommel Benig, ang presidente ng Green Antz Builders Inc.

ADVERTISEMENT

"Ang mga ecobricks na ito ay compressed, interlocking bricks na parang lego kung saan mas matibay siya dahil compressed at mas malamig din dahil may insulating property," paliwanag ni Benig.

Ang mga plastic sachet umano ang nagiging insulator upang hindi basta-basta mapasok ng init ang itinatayong silid o gusali.

Bukod pa riyan, bawat isang ecobrick ay may katumbas na 100 plastic sachet na nare-recycle.

Ngunit bago pa niya nakamit ang tagumpay bilang negosyante, 16 na taong naging empleyado si Benig.

"I used to work with a multinational company. Then bago ako umalis, kinausap nila ako if I can do something sa problema namin sa plastic sachet so that's where the idea for [ecobrick] started," pagbabahagi ni Benig.

Habang nagtatrabaho, namulat siya sa malaking problema sa plastik sa Pilipinas na karamihan ay napupunta lang sa mga landfill.

Tinatayang 600 taon ang inaabot bago tuluyang mabulok ang mga plastik.

Naglakas-loob si Benig mag-resign noong 2012 at doon na ganap na ipinanganak ang "ecobricks."

"Nagsimula po ito nang walang puhunan. Ang pinakapuhunan po dito ay ang idea, konsepto na magiging solusyon sa problema sa plastik," aniya.

Ang unang kapital na nasa P500,000 ay ibinigay pa ng kaniyang iniwang kompanya.

Halos dalawang taon din daw bago tuluyang nakapaglabas ng produkto ang kaniyang kompanya at hindi rin umano ito agad tinanggap ng merkado.

"Ang hirap banggain ng mainstream na hollow blocks. Kailangan naming mag-pivot. Dati inaalok namin siya sa localities. So we said mukhang mas madaling makipag-communicate about sustainability and green products sa mga bigger companies," pag-alala ng negosyante.

Kalaunan ay nakalikha ang Green Antz ng relasyon sa mga malalaking kompanya at doon nagsimula ang sunod-sunod na proyekto.

Pitong taon matapos ilunsad, "tried and tested" na sa industriya ang inimbentong ecobricks ni Benig.

"Masarap sa pakiramdam na 'yung pinagsimulan na struggles meron nang bunga. Hindi maipaliwanag. Pero ito ang nagtutulak sa amin ngayon para magtuloy-tuloy na mag-develop ng iba pang solusyon," ani Benig.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.