PatrolPH

BASAHIN: Mga 'online paluwagan' na dapat iwasan, ayon sa SEC

ABS-CBN News

Posted at May 02 2018 10:15 PM

Watch more on iWant or iWantTFC

Naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa 30 scam na "online paluwagan" o onpal, na ginagamit ang social media upang makapanghuthot ng pera. 

Ayon sa SEC, ang mga onpal na ito ay nangangako ng hindi kapanipaniwalang balik ng pera. 

"The persons recruiting or soliciting investments were promising huge returns to their members within a short period of time with interests ranging from 10 percent-757 percent in as little as 1 to 90 days," ayon sa inilabas na advisory ng komisyon.

Karamihan umano sa mga ulat na natatanggap nila ay mga reklamong hindi pagkakabalik ng inilabas na pera.

"Unfortunately, many of their respective members incurred huge loss of money and the administrators were reportedly unable to refund investments."

Ayon sa isang eksperto, maganda ang paluwagan kung maayos ang pagpapatakbo nito.
    
Pero babala niya, hindi dapat paniwalaan agad ang lahat ng nag-aalok lalo na kung may hirit itong "dagdag kita."

"They talk about returns na masyadong mataas. At kapag nagtanong [ka] kung ano bang panganib ang kinukuha ko dito at sinagot nilang wala, then that should be the first alarm bell," ani Edmund Martinez, isang wealth management expert ng COL Financial.

Payo ni Martinez, dapat laging ingatan ang pera.

"Huwag po natin basta-basta ipagkakatiwala ang pera sa isang taong hindi natin kilala at kung di natin kilala, maaari naman natin malaman ang detalye ng kanilang kompanya through the SEC," aniya.

Narito ang listahan ng mga onpal na dapat iwasan ayon sa SEC:

1. Road To Stockmarket/Dream Builders RTSM 2
2. Steady Money Onpal
3. G-Funds
4. Team Amazing Grace
5. Donatos Team Gig
6. Team Donatos
7. Building Bridge
8. GBS New Hope
9. GBS Trust Traders
10. Whilmz Team International
11. Whilmz International Online Paluwagan
12. Rosca Money's Worth Onpal
13. Warriors Team Onpal
14. Team Warriors
15. Xplosion
16. Red Packet
17. Elite Savers Club
18. Share Ko Profit Ko
19. SUTM & BOJ
20. Real Team Angel International
21. Original Team Angels
22. Return Of The Comeback Team Angels Internationals
23. Cone Weekly Investment
24. 2DO Marketing Services
25. Power7 M2G
26. Onpal Adhoc
27. Swift Earners Guild
28. Exclusive Circle Of Earners
29. Old TBC
30. Lover's Profit Sharing

Kung kayo ay nabiktima ng onpal o ng iba pang klaseng investment scam, puwedeng magreklamo sa SEC Enforcement and Investor Protection department sa hotline na 818-6047. 

--Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.