Bayarin sa kuryente, tataas kasabay ng pagsipa ng konsumo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bayarin sa kuryente, tataas kasabay ng pagsipa ng konsumo

ABS-CBN News
Published Apr 24, 2018 10:34 PM PHT

Pihadong tataas ang bayarin sa kuryente dahil sa pagsipa ng konsumo rito ngayong tag-init, ayon sa Meralco.

Ayon sa power distribution company, kahit di pa tumataas ang electricity rate ng Meralco bill para sa Mayo, asahan na dapat ng mga konsumer ang mas malaking bayarin dahil sagad-sagad din sa paggamit ng appliances para maging maalwan ngayong matindi ang init.

"Napakainit ng panahon, talagang hindi mo matitiis na [hindi] bubuksan ang air-conditioning units, mas iinom ka nang madalas ng tubig [kaya] bubuksan mo ang refrigerator mo," ani Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco.

Katunayan, nitong Lunes, Abril 23, pumalo sa 10,380 megawatts ang konsumo sa kuryente ng buong Luzon.
Katunayan, nitong Lunes, Abril 23, pumalo sa 10,380 megawatts ang konsumo sa kuryente ng buong Luzon.
ADVERTISEMENT
Mas mataas na ito sa pinakamatinding konsumo ng kuryente noong tag-init ng nakaraang taon na pumalo sa 10,054 megawatts noong Mayo 2017.

Sa kasagsagan din ng tag-init, karaniwang bumabagsak ang mga planta ng kuryente na nagpapataas ng presyo sa spot market.

Tingin ng grupong Laban Konsyumer, dapat ilabas ang listahan ng mga plantang may scheduled maintenance at biglaang bumagsak dahil lubhang apektado nito ang mga konsumer,

"At the end of the day, consumer po ang talo. Hindi po dapat lahat, pasa todo sa 'tin ang epekto ng pagtaas ng presyo sa spot market," ani Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer.

Pinag-aaralan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung paano ang sistema ng pagdisiplina sa mga "siraing" planta.

"Mayroong mga mechanism naman para ma-verify 'yon bang cause ng shutdown na 'yan [ay] justifiable," ani Atty. Rexie Baldo-Digal, tagapagsalita ng ERC.

Dalawang magkasunod na buwan nang tumaas ang singil ng Meralco dahil sa pagmahal ng presyo ng kuryente sa spot market.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
Alvin Elchico
balita
konsumer
consumer
utilities
kuryente
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT