Rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo namumuro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo namumuro

ABS-CBN News
Published Apr 13, 2022 05:37 PM PHT
|
Updated Apr 13, 2022 07:27 PM PHT

Namumuro ulit ang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Noong Lunes at Martes kasi, bawasan ng P0.90 ang presyo ng kada litro ng gasolina sa world market, P0.70 naman diesel at P1.46 sa kerosene.

Hanggang Huwebes lang din ang trading sa world market dahil holiday din sa Singapore sa Biyernes Santo, kaya malaki umano ang posibilidad na may bawas-presyo ulit sa Martes.

Samantala, hindi pa rin tinutuloy ang pamimigay ng ayuda sa ilang public transport driver dahil wala pa ring kopya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec).

Magugunitang noong nakaraang linggo, inaprubahan ng poll body ang inihaing application for exemption ng LTFRB mula sa pagbabawal ng disbursement ng public funds sa panahon ng kampanya.

Pero hindi rin umano makakapagsimula agad ang LTFRB sa pamimigay ng ayuda hangga't walang kopya ng desisyon ng Comelec.

"Based sa pronouncement nila sa media, alam naman po nila ang urgency of this matter," ani LTFRB Executive Director Tina Cassion.

Kung matuloy na ang bigayan ng ayuda sa susunod na linggo, wala namang aasahan ang tricycle drivers dahil wala pang isinusumiteng listahan ng benepisyaryo ang Department of the Interior and Local Government.

Protesta sa kuryente
Samantala, nagkasa naman ngayong Miyerkoles ng protesta ang iba-ibang grupo laban sa dagdga-singil sa kuryente.
Samantala, nagkasa naman ngayong Miyerkoles ng protesta ang iba-ibang grupo laban sa dagdga-singil sa kuryente.
ADVERTISEMENT
Inakusahan ng grupong Power 4 People ng pagsasabwatan ang Meralco at mga opisyal ng gobyerno para tuloy-tuloy lang tumaas ang singil sa kuryente.

"Malinaw na ito'y pambubudol kasabwat ang mga opisyal ng gobyerno," ani Gerry Arances, convenor ng Power 4 People.

Pinabulaanan naman ng Meralco na tuloy-tuloy ang pagtaas ng singil sa kuryente dahil nagkaroon naman ng bawas noong Enero at Pebrero.

Kung tutuusin, paliwanag ng Meralco, mas mura pa ang rate ngayon kompara sa singilin noong bago mag-pandemic o kahit 2021 pa.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
busina
rollback
price adjustment
petrolyo
pump prices
oil prices
gasolina
diesel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT