Singil sa kuryente bababa sa Abril: Meralco | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Singil sa kuryente bababa sa Abril: Meralco

Singil sa kuryente bababa sa Abril: Meralco

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 11, 2023 07:23 PM PHT

Clipboard

Magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente para sa Abril, sabi ngayong Martes ng Meralco.

Ayon sa Meralco, P0.118 kada kilowatt hour (kwh) ang bawas-singil ngayong Abril bunsod ng mababang generation at transmission charges.

via alvinelchico

Katumbas umano ito ng P24 na bawas-singil para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh, P35 sa konsumong 300 kwh, P47 sa konsumong 400 kwh at P59 sa konsumong 500 kwh.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, kasunod ito ng pagbaba ng generation charge sa spot market at paglakas ng piso kontra dolyar.

ADVERTISEMENT

"Initially nga akala namin there may be pressure for generation charge to go upwards. 'Yong consumption sigurado 'yan tataas because we already feel the much warmer temperatures and given that situation, it is very obvious na as demand rises, consumption rises as well. Mas madalas at mas matagal 'yong paggamit lalo na ng mga cooling devices," ani Zaldarriaga.

Ayon sa Department of Energy, hindi naabot ang inaasahang peak demand kaya may pagbaba sa generation charge.

Hindi rin kinakailangang magdeklara ng yellow alert sa Luzon dahil walang pagnipis sa suplay ng kuryente.

"We can say that for Luzon, 'yung ating projected values at actual values ay hindi nagkakalayo pero mas mababa. Hindi kinailangang paandarin 'yung mas mahal na generator. Ang mga kababayan natin ay nag-conserve kaya hindi kinailangang paandarin ang mga mas mahal na planta. We have already missed two yellow alerts we projected pero hindi nag-occur, if magtuloy-tuloy, we do not expect na lahat ng yellow alerts mangyayari," ani DOE Undersecretary Rowena Cristina Guevara.

Pero paalala ng DOE, may inaasahan pa ring yellow alert sa Luzon hanggang katapusan ng Hunyo.

-- Ulat nina Alvin Elchico at Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.