DA itinangging 'pinapatay' nila ang hog industry dahil sa importation | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DA itinangging 'pinapatay' nila ang hog industry dahil sa importation

ABS-CBN News
Published Apr 09, 2021 06:17 PM PHT

MAYNILA — Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) na papatayin nila ang local hog raisers sa pagbaba ng taripa sa inangkat na baboy at pagtatakda ng suggested retail price (SRP) dito.
Sabi sa TeleRadyo ni DA spokesperson Noel Reyes, paraan lang nila ito para mapababa ang presyo ng baboy sa merkado at matulungan ang mga konsumer sa gitna ng pandemya.

"Hindi naman totoo 'yun. In fact patuloy pa rin ang pagdating ng surplus na baboy mula sa [mga lugar na] walang ASF. Eh kung papatayin eh matagal na," ani Reyes.

Giit pa ni Reyes, wala namang mailatag na solusyon ang local hog industry para mahabol ang 3 milyong populasyon ng baboy na nawala dahil sa African swine fever (ASF).

"Ang pinapaboran natin ang consumers. Binabalanse po," dagdag pa niya.
"Ang pinapaboran natin ang consumers. Binabalanse po," dagdag pa niya.
ADVERTISEMENT
Ayon pa sa DA, may kikitain pa rin naman ang mga lokal na magbababoy.

Pabor naman ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association sa pag-alis ng price cap sa lokal na baboy at manok at paglagay ngayon ng SRP sa imported pork.

Anila, maituturing itong emergency measures dahil sa ASF at pandemya. Pero hindi naman dapat magtagal ang mga ganitong price control measures.

"Hindi forever 'yan. Pag forever 'yan, magkaka-negative effect... Temporary solution lang ito. Siyempre maraming tatamaan niyan," sabi ni Steven Cua, presidente ng asosasyon.

Nauna nang sinabi ng local pork producers na tila pinapatay na ng DA ang kanilang industriya dahil sa umano'y pagpabor ni Agriculture Secretary William Dar sa importers.

RELATED VIDEO:
RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT