ALAMIN: Taas-singil sa kuryente ng Meralco sa Abril | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Taas-singil sa kuryente ng Meralco sa Abril

ALAMIN: Taas-singil sa kuryente ng Meralco sa Abril

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 08, 2019 07:09 PM PHT

Clipboard

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Abril, sabi ng Meralco ngayong Lunes.

Papatak sa P0.063 kada kilowatt hour (kWh) ang dagdag-singil, ayon sa Meralco.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Katumbas ito ng P12.60 dagdag-singil kada buwan sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P18.90 sa 300 kWh, P25.20 sa 400 kwH, at P31.50 sa 500 kWh.

Ang mataas na singil ay dahil sa pagsipa ng presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market dulot ng mga yellow alert o pagnipis ng reserbang kuryente noong Marso, ayon sa Meralco.

ADVERTISEMENT

Tumaas din daw ang gastos ng mga power plant sa bansa dahil sa paghina ng piso.

Ito ang ika-3 sunod na buwang nagkaroon ng dagdag-singil sa kuryente. Noong Marso, P0.09 kada kilowatt hour (kWh) ang naging pagtaas sa singil, habang P0.57 kada kWh naman noong Pebrero.

Nangangamba ang Meralco na magtataas muli ang singil sa mga susunod na buwan dahil sa tumataas na demand o paggamit ng kuryente.

Tiniyak naman ng Meralco na kahit mataas ang demand ay sapat ang suplay ng kuryente para sa mga susunod na buwan.

Hinikayat din ng Meralco ang mga kostumer an magtipid sa kuryente.

Kasabay ng anunsiyong taas-singil sa kuryente, kinalampag ng grupong Murang Kuryente party-list ang isang branch ng Meralco.

Iginiit ng grupo na hindi makatarungan ang pagtaas ng singil kung hindi umano maganda ang serbisyo ng kompanya.

--May ulat nina Alvin Elchico at Bruce Rodriguez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.