Brownout di mararanasan sa summer kahit may El Niño: DOE | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Brownout di mararanasan sa summer kahit may El Niño: DOE

Brownout di mararanasan sa summer kahit may El Niño: DOE

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Walang brownout sa kabuuan ng summer, kasali na ang araw at linggo ng halalan, kahit tatama pa ang El Niño phenomenon o tagtuyot ngayong taon, ayon sa opisyal ng Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na walang power interruption o pagkawala ng kuryenteng mararanasan sa kabuuan ng tag-init o hanggang Hunyo dahil sapat ang suplay kung hindi pumalya nang sabay-sabay ang mga planta.

"Kailangang hindi sila mag-forced outage o walang unscheduled maintenance o biglang magsasara," ani Fuentebella.

"Dapat ma-manage nang maigi 'yong maintenance schedule na hindi siya magkatugma-tugma," dagdag ni Fuentebella.

ADVERTISEMENT

Kaya raw punan ng coal-fired power plants ang mga hydroelectric power plant plants na posibleng maaapektuhan ng tagtuyot.

"Sa Mindanao tayo makakatulog nang maayos kasi wala tayong inaasahang problema talaga on supply, even if there are forced outages that will happen, Mindanao will still be able to supply," ani Energy Assistant Secretary Redentor Delola.

Sa kabuuan, mula Abril hanggang Hunyo, nasa 600 hanggang 700 megawatts ng kuryente ang mawawala dahil sa scheduled maintenance shutdown ng ilang planta.

Pero kahit tiniyak ng DOE na walang brownout sa kasagsagan ng summer, hinihikayat pa rin ng gobyerno ang lahat ng konsumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.

May ilang gamit daw kasi sa bahay at opisina na matakaw sa kuryente gaya ng telebisyon, aircon, at desktop computer. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.