Israel, Germany may alok na trabaho para sa daang-daang Pinoy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Israel, Germany may alok na trabaho para sa daang-daang Pinoy

Israel, Germany may alok na trabaho para sa daang-daang Pinoy

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May alok na trabaho ang mga bansang Israel at Germany para sa daan-daang Pilipino ngayong nanumbalik na ang mga oportunidad para sa overseas Filipino workers kasunod ng COVID-19 pandemic.

Hanggang 800 hotel workers ang kailangan ng Israel sa pamamagitan ng government-to-government hiring ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa Germany naman, 600 nurse ang kailangan umanong i-hire ng POEA para sa Triple Win program ngayong 2022.

Pero ayon sa isang pribadong German employer, na may-ari ng 25 nursing home, mas maraming nurse pa ang kailangan ng kanilang bansa dahil sa laki ng tumatandang populasyon.

ADVERTISEMENT

"Until 2030, we’re looking at the like of a hundred-thousand nurses per year. It depends on the statistics you’re looking at, but in general the need is tremendous," ani Mathias Hallerbach ng C&C Germany.

Pangunahing requirement umano ay German language proficiency kaya humigit kumulang na 1 taon ang application process.

Nasa hanggang €3,000 o halos P170,000 ang sahod at may pagkakataon pang maging permanent residente kinalaunan.

Sa kabila ng oportunidad, 7,000 health care worker lang ang papayagang makaalis ngayong 2022 bunsod ng deployment cap ng pamahalaan.

Gusto umanong silipin ni Secretary Abdullah Mamao, kalihim ng bagong tatag na Department of Migrant Workers, ang deployment cap.

"That is one area that we can be flexible because of the big requirements of medical workers in different countries," ani Mamao, na may anak na nagtatrabaho sa Canada bilang nurse.

Tingin ni Mamao ay maraming oportunidad pa ang magbubukas sa mga Pinoy sa Europe, Canada at Turkey.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.