Presyo ng ilang gulay, isda nagmahal sa pag-arangkada ng ECQ sa NCR Plus | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Business

Presyo ng ilang gulay, isda nagmahal sa pag-arangkada ng ECQ sa NCR Plus

Presyo ng ilang gulay, isda nagmahal sa pag-arangkada ng ECQ sa NCR Plus

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nagmahal ang presyo ng ilang klase ng gulay at isda sa ilang pamilihan kasabay ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig-probinsya nito.

Sa Pasig City Public Market, may mangilan-ngilang klase ng gulay gaya ng carrots, Baguio beans, amargoso, pechay at patatas na nagmahal kung ikukumpara ang presyo ng mga ito noong Marso 25.

• Carrots → P60-P80/kg
• Baguio beans → P60-P80/kg
• Amargoso → P50-P80/kg
• Pechay → P40-P50/kg
• Patatas → P40-P60/kg

Nagkaroon din ng parehong mga pagtaas sa Muñoz Market at iba pang palengke sa QC.

ADVERTISEMENT

Samantala nagmahal rin ang ilang isda gaya ng galunggong at tulingan sa ilang pamilihan sa Tandang Sora market.

• Galunggong
→ Dati: P150-P180/kg
→ Ngayon: P200-P250/kg

• Tulingan
→ Dati: P150-P160/kg
→ Ngayon: P200-P220/kg

Nagmahal din ng P40 kada kilo ang galunggong na lokal sa Guadalupe market sa Makati, at P5 hanggang P10 naman ang itinaas ng presyo ng bangus at tilapia sa Quinta market sa QC.

"Sa ngayon po, nag -ECQ po, medyo mabili po kasi. Nagpa-panic buying po ang mga tao. Sa presyo naman po, dahil walang makuhanan ng supply, medyo nagtataas po ang mga isda ngayon po," anang tindero na si Rio Pili.

Tatagal hanggang Abril 4 ang ECQ sa NCR Plus, pero maaari pang palawigin dahil sa muling pagsirit ng COVID-19 cases.

—Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.