Suggested retail price ng surgical masks tumaas sa P28 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suggested retail price ng surgical masks tumaas sa P28

Suggested retail price ng surgical masks tumaas sa P28

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 19, 2020 09:50 PM PHT

Clipboard


Mula P12, tumaas sa P28 ang suggested retail price ng kada piraso ng surgical face masks, ayon sa opisyal ng Department of Trade and Industry.

Tumaas kasi ang presyo ng raw materials na ginagamit sa paggawa ng face masks, ayon kay Ruth Castelo, Trade undersecretary for consumer protection.

Inuna lang din daw ang pamamahagi ng face mask sa frontliners, gaya ng health workers at mga pulis, kaya nahuli ang pagsu-supply sa mga pribadong botika.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Posibleng sa weekend ay magkaroon na ng supply ng face masks ang mga botika, ayon kay Castelo.

ADVERTISEMENT

Hindi na rin umano natuloy ang pag-angkat ng Pilipinas ng face masks sa India dahil sa pabago-bagong presyo, na nangangahulugang manggagaling ang lahat ng supply muna sa lokal na manufacturer na Medtecs.

Ayon sa DTI, nangako ang Medtecs na magsu-supply ng 5 milyong face masks kada buwan para sa health workers, pulis, mga kawani ng gobyerno, at pribadong botika.

Nagkaroon ng kakulangan sa supply ng face masks nitong mga nagdaang buwan bunsod ng magkasunod na pagputok ng Bulkang Taal at pagkalat ng 2019 coronavirus disease.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.