Pag-'work from home' ng mga manggagawa, hinikayat ng DOLE | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-'work from home' ng mga manggagawa, hinikayat ng DOLE

ABS-CBN News
Published Mar 18, 2021 07:54 PM PHT
MAYNILA - Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na gamitin ang work from home option sa harap ng pagdami ng COVID-19 cases.

Ayon sa datos ng Bureau of Local Employment, na attached office ng DOLE, pumalo sa 37,434 ang bilang ng mga naka-work from home na manggagawa noong 2020.

Noong Enero 2021, nasa 5,611 ang mga ito, habang nasa 14,696 naman ito pagsapit ng Pebrero.

"We encourage them to do that to avoid contamination especially 'yung transmission ng COVID. It’s a consensus between the worker and the employee. So sabi ko nga naiintindihan naman ng workers kalagayan ng employers so sa halip na mawalan ng trabaho ok na mabawasan number of work hours," ani Labor chief Silvestre Bello III.

Pero ayon sa Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP), sagad na ang bilang ng mga manggagawang naka-work from home lalo’t iilang industriya lang gaya ng Business Process Outsourcing at iba pang uri ng trabaho ang puwede umano rito.

"Subok na subok na 'yan. Gamit na gamit na 'yan, hindi na kayang dagdagan. Majority ng kompanya natin processing, manufacturing eh sino ang puwedeng work from home doon?" ani ECOP chairman Sergio Ortiz-Luis.

Apela din ng ECOP na huwag ibintang sa mga workplace ang panibagong pagkalat ng COVID-19.

"What I understand is sa household ang transmission ngayon eh. Kasi ang workplace, talagang sumusunod silang lahat sa ano, protocols. At kapag nagkaroon ng positive [case] doon, sarado kaagad," ani Ortiz-Luis.

Halimbawa, sa Quezon City, household ang numero unong pinanggagalingan ng transmission.

Hindi naman alam kung saan nagmula ang ika-2 pinakamalaking uri ng transmission. Sinundan ito ng komunidad, bago pa ang mga pinagtatrabahuhan.

Sumang-ayon naman si Bello kay Ortiz-Luis lalo't wala raw silang natatanggap na ulat ng malawakang transmission sa private sector.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Manila
TV Patrol
ECOP
Department of Labor and Employment
Employers' Confederation of the Philippines
quarantine
lockdown
pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT