Mga manggagawa umaaray sa gastos dahil sa oil price hike | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga manggagawa umaaray sa gastos dahil sa oil price hike

Mga manggagawa umaaray sa gastos dahil sa oil price hike

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 13, 2022 07:57 PM PHT

Clipboard

Larawan ni Mark Demayo, ABS-CBN News.
Larawan ni Mark Demayo, ABS-CBN News.

Umaaray na ang mga maliliit na manggagawa sa taas ng presyo ng mga bilihin na epekto na rin ng sunod-sunod na oil price hike.

Ngayong isang malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo na naman ang nagbabadya, problema nila kung paano pa makasasabay sa mga gastusin.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tulad na lang ng magbubuko na si Fernando Jaca an P300 lang ang kita araw-araw.

Pinagkakasya niya ito para sa pagkain ng kanyang pamilya na may limang miyembro.

ADVERTISEMENT

Nangungupahan pa sila sa Quezon City kung saan P3,000 ang buwanan nilang upa.

Aminado siyang hindi kasya ang P300 na arawan para sa kanilang pamilya kaya minsan, tumatanggap din siya ng trabaho bilang construction worker.

Hindi na rin sila nakabibili ng karne na kada kilo dahil hanggang tig-kalahating kilo na lang ang kaya ng budget.

Ang mga TNVS rider naman tulad ni John Peter, walang magawa kundi pagtiyagaan ang kanilang hanapbuhay kaysa walang kitain.

Mula P120 kada araw na gasolina, doble na ang puhunan nila ngayon na nasa P240 na.

ADVERTISEMENT

Aniya, Kumonti na rin ang kanilang mga suki dahil sa pagbubukas ng ekonomiya.

Panawagan nila, gawan ng paraan na bumaba ang presyo ng gasolina tulad ng pagtanggal ng excise tax.

Hinihintay rin nila ang pangakong fuel subsidy para sa transport sector.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.