Ilang taga-QC, Maynila sapul sa emergency interruption ng Maynilad | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang taga-QC, Maynila sapul sa emergency interruption ng Maynilad

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Mar 09, 2022 02:01 PM PHT
|
Updated Mar 09, 2022 07:48 PM PHT

(UPDATE) Nagpatupad noong Martes ang Maynilad ng 18 oras na emergency water interruption, na ikinagulat at ikinadismaya ng kanilang mga kostumer.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Tondo, Maynila at ilang bahagi ng Quezon City.

Ayon kay Maynilad Spokesperson Jennifer Rufo, kinulang ang supply ng tubig na pumasok sa La Mesa Treatment Plant at sinabayan pa ito ng mataas na demand dahil sa init ng panahon.

"Dahil mababa na rin 'yong antas ng tubig sa Ipo Dam due to lack of rains in the area, nawala 'yong contribution... 'yon ang marahil na dahilan kung bakit 'yong usual requirement namin na volume, bawas ang pumasok sa ating planta," paliwanag ni Rufo.

ADVERTISEMENT
Kinailangang agad putulin ang supply sa mga konsumer dahil mas malaking problema kung masasaid ang laman ng mga reservoir, kaya hindi naabisuhan nang maaga ang mga konsumer.

Inireklamo din kasi ng mga Maynilad kostumer na hindi sila naabisuhan sa pamamagitan ng text message at huli na para makapag-imbak sila ng tubig.

Ayon kay Rufo, dahil biglaan ang interruption, posibleng hindi agad natanggap ng mga kostumer ang abiso dahil sa text traffic.

"We are intensifying our on-ground communication efforts sa pamamagitan ng ating field personnel din," ani Rufo.

Dahil sa mababang lebel ng tubig sa mga dam, nagbabala ang Maynilad na may tiyansang maulit ang emergnecy interruption pero magiging last resort umano ito.

Sinabi naman ng National Water Resources Board na hinihintay pa ang go signal ng PAGASA para sa tamang cloud ofrmations para isagawa ang cloud seeding, na makatutulong para madagdagan ang imbak na tubig sa mga dam.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
konsumer
tubig
utilities
Maynilad
water service interruption
emergency service interruption
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT