'Presyo ng noodles, karne, manok posibleng tumaas dahil sa Ukraine crisis' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Presyo ng noodles, karne, manok posibleng tumaas dahil sa Ukraine crisis'

ABS-CBN News
Published Feb 25, 2022 06:52 PM PHT

Taas-presyo sa LPG posibleng pumalo ng P10 hanggang P15 kada kilo

MAYNILA - Posibleng tumaas din ang presyo ng noodles, karne, at manok sa harap ng nangyayaring gulo sa Ukraine, ayon kay dating socioeconomic planning secretary Ernesto Pernia.

Sa harap ito ng taas-presyong inaasahan sa trigo, na ini-import pa ng Pilipinas.

Ayon kay Pernia, ginagamit din ang trigo sa animal feeds.

"There are many other things that will be disrupted, because trade will be disrupted and as you know we import a lot, we are not sufficient in many things," ani Pernia.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, na presidente ng isa sa pinakamalaking kompanya na gumagamit ng harina para sa food products, malaking problema ito dahil posibleng hindi kayanin ng publiko ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ito aniya ay dahilan para luwagan ang alert levels.

“Ang importante dito, as we open the economy to Alert Level 1, more businesses can resume so at least they can start earning money and better prepare themselves for whatever may happen dito sa giyera na ito," ani Concepcion.

Sa ganitong paraan, naniniwala si Concepcion at ang iba pang negosyante na lalakas ang kakayahan ng publiko para sa kanilang pangangailangan.

Nauna nang nabanggit ng Department of Trade and Industry na pag-aaralan pa nila ang taas-presyo sa ilang produkto.

"I don't think that it's time to put a freeze kasi naman talagang tayo we always believe in the free market but if you remember noong panahon ng pandemic, eh halos 2 years hindi kami nag-a-adjust ng SRP," ani DTI Undersecretary Claire Cabochan.

Nauna nang nabanggit ng mga eksperto na tataas ang presyo ng harina at gasolina sa harap ng krisis.

Samantala, inaasahan ding papalo sa P10 hanggang P15 ang magiging taas-presyo sa kada kilo ng LPG, dahil dito.

Lagpas P100 na dagdag ito sa 11 kilograms na tangke ng LPG na naglalaro sa P793 hanggang P1,053.

-- Ulat nina Alvin Elchico at Warren De Guzman, ABS-CBN News
Read More:
Ukraine crisis
manok
noodles
karne
Joey Concepcion
Ernesto Pernia
DTI
Department of Trade and Industry
DTI
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT