450 pasahero ng MRT pinababa sa Cubao dahil sa electrical failure

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2020 08:01 AM

Pinababa ang 450 pasahero ng MRT matapos magkaroon ng electrical failure ang motor ng isang tren sa Cubao Station, Lunes ng umaga. ABS-CBN News/file

MAYNILA - Pinababa ang 450 pasahero ng MRT-3 sa Cubao Station matapos magkaroon ng aberya sa motor ng isang tren, alas-6 ng umaga nitong Lunes.

Nagkaroon ng electrical failure ang motor ng isang tren dahil luma na ang subcomponents nito, ayon sa pamunuan ng MRT.

Nagdulot ang aberya ng pagkaipon ng mga pasahero sa ibang istasyon tulad ng North Avenue, Quezon Avenue, at Shaw Boulevard.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.