Presyo ng 70 produkto na pangunahing bilihin, tataas: DTI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng 70 produkto na pangunahing bilihin, tataas: DTI

Presyo ng 70 produkto na pangunahing bilihin, tataas: DTI

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 08, 2023 10:39 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Nasa 76 na produkto na pangunahing bilihin ang pinayagang magpatupad ng taas-presyo, sabi ngayong Miyerkoles ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kasama umano rito ang ilang brand ng karneng de-lata, sardinas, kape, instant noodles, gatas at tinapay.

Nasa P2 ang aprubadong dagdag-presyo sa Pinoy tasty, kalahati sa hirit ng manufacturers na P4, habang P1.50 naman sa Pinoy pandesal.

Nasa 1 hanggang 15 porsiyento ang inaprubahang increase sa food items habang mas malaki ang dagdag-presyo sa mga non-food item.

ADVERTISEMENT

Agosto pa noong isang taon huling naglabas ng suggested retail price (SRP) ang DTI dahil masusi anilang pinag-aralan ang mga petisyon na taas-presyo.

"Itong mga manufactured food product naman, bihirang-bihira mag-figure sa consumer basket na ginagamit sa pag-measure ng inflation, so karamihan doon mga agricultural products. Ang manufactured good products hindi ganoon kalaki ang impact doon sa consumer o budget ng consumer," ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Nasa P1.50 ang pinayagang taas sa ilang brand ng sardinas sa halip ng hirit nila na P3, bagay na inalmahan ng mga producer nito.

Ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP), hindi ito katanggap-tanggap dahil mas mababa na ang SRP kaysa production cost nila, bagay na ikalulugi ng canners.

"We'll ask for negotiation but at P1.50, it's not acceptable," ani CSAP Executive Director Francisco Buencamino.

ADVERTISEMENT

Nagsabi rin ang sardine producers na kaunti ang supply ng tamban at hindi pa rin sila nakapangisda dahil closed fishing season pa rin sa Zamboanga hanggang sa katapusan ng Pebrero.

May ilang cannery na anila na naubusan ng buffer stock.

Sa ngayon, bumibili muna anila ang mga sardine producer ng isda mula sa mga probinsiyang hindi sarado, tulad ng Sorsogon.

Hiling ng mga sardine producer na payagang makapangisda malapti sa dalampasigan.

Samantala, sinimulang ipatupad ngayong Miyerkoles ang P125 na SRP sa imported na sibuyas pero hindi ito nasusunod sa ilang pamilihan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ilang nagtitinda, hindi pa nila kayang ipatupad ang SRP dahil mataas pa ang kuha nila ng sibuyas sa Balintawak Market at Divisoria.

Nag-ikot na ang Department of Agriculture sa mga palengke para ipaalam ang bagong SRP, na tatagal nang 2 buwan.

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.