Ilang maliit na negosyo apektado ng water interruption ng Maynilad | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang maliit na negosyo apektado ng water interruption ng Maynilad

ABS-CBN News
Published Feb 05, 2023 04:27 PM PHT
|
Updated Feb 05, 2023 07:32 PM PHT

Umaga pa lang, puno na ng mga hugasin ang mga lababo ni Gary Gallardo, may-ari ng karinderya sa Barangay 185, Pasay City.

Tinitipid kasi umano nila ang naipong tubig para sa paglilinis ng mga sangkap na gulay at rekado sa pagluluto ng ulam, kaya gumawa na sila ng paraan para makapag-imbak ng tubig.

"Dumiskarte po kami ng drum, 'yong mga drum na hindi nagagamit 'yon na po 'yong nagagamit. Ang dami po naming drum diyan," ani Gallardo.

Ayon kay Gallardo, dahil sa water interrupton ng Maynilad sa Barangay 185, punong-puno ng hugasin sa karinderya nila tuwing gabi.

Ang ginagawa umano nila'y mimismisan na lang muna nila ang mga plato para kahit papaano'y hindi iipisin sa magdamag.

Tambak naman ang mga labahan sa kalapit na laundry shop ni Maritess Penilla bunsod ng ilang linggong water service interruption ng Maynilad.

"Nahihirapan kami maglaba kasi pagka nawawala, katulad ngayon mawawala na naman ng alas-2 so mahihirapan kami maglaba kasi 'yong iba nag-aapura kunin agad. Tapos sa gabi puyat, mawawalan din agad ng tubig," ani Penillla.

Isa ang Barangay 185 ng Pasay sa mga inanunsiyo ng Maynilad na kasama sa water interruption mula Pebrero 4 hanggang 7.

Sa kalapit na Barangay 183, marami ang dumadaing na residente dahil may ilang hindi inaabot ng supply ng tubig.

"Normally minsan walang pasabi eh. Nabibigla kami. Bigla na lang nawawalan ng tubig kaya habang may tubig pa, nag-iipon na ako," ani Victor Mendoza, chief police security officer sa Barangay 183.

Ayon sa Maynilad, hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng abiso tungkol sa water interruption sa Pasay, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas at ilang bayan sa Cavite.

Pero reklamo ng ilang residenteng tulad nina Gallardo at Penilla ay iba-ibang oras ang water supply interruption kaya nahihirapan sila mag-ipon ng tubig.

Wala pang tugon ang Maynilad kaugnay sa reklamong ito.

Sa abiso ng Maynilad, patuloy pa ring makakaranas ng service interruption ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa mabilis na paglabo ng tubig.

— Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT