Inflation ngayong Enero pinakamabagal sa loob ng 10 buwan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Inflation ngayong Enero pinakamabagal sa loob ng 10 buwan

ABS-CBN News
Published Feb 05, 2019 11:13 AM PHT
|
Updated Feb 05, 2019 07:45 PM PHT

(2ND UPDATE) Bumagal sa 4.4 porsiyento ang antas ng inflation, o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, nitong Enero 2019, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mula sa 5.1 porsiyentong inflation noong Disyembre, bumagal ito sa 4.4 porsiyento. Ito ang pinakamabagal na inflation na naitala magmula Abril 2018.

Ito rin ang ikatlong sunod na buwan na bumagal ang antas ng inflation sa bansa.

Bumagal ang antas ng taas-presyo noong Enero bunsod ng paggalaw ng mga presyo ng pagkain, transportasyon, tabako, at alcoholic at non-alcoholic beverages, ayon kay National Statistician and Civil Registrar General Lisa Grace Bersales.

ADVERTISEMENT
Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang nagtala ng pinakamababang inflation sa 3.1 porsiyento.

Pinakamataas pa rin ang antas ng inflation sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nasa 6.1 porsiyento noong Enero.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang pagbagal ng antas ng inflation at nangakong patuloy nilang babantayan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

"We will remain on guard in monitoring the prices of basic goods and commodities as we aim to mitigate poverty and hunger," sabi sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ayon naman sa mga kinatawan ng Gabriela party-list na sina Arlene Brosas at Emmi De Jesus, hindi dapat isipin na ang pagbagal ng inflation ay katumbas ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Nananatili pa rin daw mataas ang presyo ng pagkain, langis, at transportasyon.

"January inflation rate reflects only a temporary deceleration of price increases in basic goods and services. It should not be mistaken for lower prices, as prices of food, fuel and transportation remain high," sabi ng dalawang kongresista sa isang pahayag.

Para sa grupong Laban Konsyumer, patunay raw ang pagbagal ng inflation na mali ang pagpapatupad ng ikalawang pagbugso ng dagdag-buwis sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law lalo na't naitala raw ang pagbaba ng presyo nang suspendihin ito.

"This should open the minds of the economic managers to admit mea culpa that the tax reform (TRAIN) law is a bad law. The decision to proceed with the second tranche of excise taxes after an earlier decision to suspend for three months proved to be wrong," anila sa pahayag.

-- May ulat nina Bruce Rodriguez, Pia Gutierrez at Zandro Ochona, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
balita
business
inflation
rates
negosyo
Philippine Statistics Authority
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT