Bentahan ng sibuyas, medyo matumal sa ilang palengke | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bentahan ng sibuyas, medyo matumal sa ilang palengke

Bentahan ng sibuyas, medyo matumal sa ilang palengke

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

 Mark Demayo, ABS-CBN News/file
Mark Demayo, ABS-CBN News/file


MANILA – Natutumalan ang ilang nagbebenta ng sibuyas sa isang wet market sa Quezon City nitong Sabado, sa kabila ng pagdami ng supply ng mga imports, at sinabing mas madami pa ang kita nila noong mahal pa ito.

Naglalaro sa P260 hanggang P300 ang kada kilo ng lokal na sibuyas sa Kamuning Public Market, at nasa P180 naman hanggang P200 ang mga imported.

Para sa tinderong si Alvin, mas maganda pa na mahal ang presyo ng sibuyas noon dahil mas maraming namimili kahit tingi-tingi lang.

“Dahil mura. Noong mahal mabili… Kung may pambili edi bumili na lang. Kung maghinaing ka, wala namang mangyayari. Edi bumili ka na lang kung mayroon kang pambili,” ani Alvin.

ADVERTISEMENT

“Noong kamahalan mabilis, ngayong mura mabagal na. Inaabot kami dalawang linggo. Noong kamahalan, 100 kilo minsan isang araw lang yon,” dagdag niya.

Ayon naman kay Melissa, isa pang tindera, hindi pa rin stable ang presyo ng sibuyas sa kabila ng pagpasok ng imports.

“Mas mabilis maubos ang imported kumpara sa local... ‘Yung bagong dating namin [na imported] 2 days, 3 days lang,” aniya.

Tingi-tingi namang bumibili ang customer na si Mayose ng sibuyas. Sapat na aniya ang 5 pirasong maliliit na ito para sa buong linggo nilang lulutuin.

Sa kabila ng buhos ng imports sa nakalipas na linggo, kailangan pa rin niya aniya maghigpit ng sinturon para sa iba pang bilihin.

ADVERTISEMENT

“Oo siyempre naman, Hindi lang sibuyas pati lahat. Sa lahat. Alam mo naman lahat mahal... Kailangan ka mag-adjust. Kahit maliliit mahirap hiwain, maliit kasi siya.”

Nasa 3,500 metric tons ng pula at puting sibuyas ang inimport ng bansa noong nakaraang linggo para matugunan ang pagtaas ng presyo nito.

WALA MUNANG IMPORTATION

Ayon kay Jose Diego Roxas, spokesperson ng Bureau of Plant Industry, nasa 2,500 metric tons na ang dumaan sa inspection ng kanilang ahensya at naipalabas na sa mga palengke.

Nilinaw din niya na ang 20,000 metric tons na sibuyas na kailangan para sa importasyon ay dahan-dahang ipapasok sa bansa at hindi isang bagsakan.

“Possible na nasa market na siya at… napababa naman niya kahit papaano ‘yung presyo ng sibuyas... Wala nang parating na sibuyas from the time na nagsara tayo last January 27,” ani Roxas.

ADVERTISEMENT

“Wala pang balita kung i-open ulit. Sa ngayon wala pang balak mag-import. Yung inopen na ‘yon. Kung inopen siya, it does not necessarily mean na i-fill siya at ‘yun nga, yun lang ang na-file…. Wala pong plans na mag-import ulit,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture na tutugunan nila ang mga matagal nang problema ng industriya ng sibuyas sa pamamagitan ng project ORION.

Sabi sa stakeholders meeting ng ahensya at ilang stakeholders nitong Lunes, ang Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network o ORION ang magsisilbing framework para maresolba ang problema ng naturang shortage.

Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network

  • - Pagpapalakas ng farm technologies
  • - Mas pinadaling access sa mas murang pataba
  • - Mas pinadaling pagkuha sa credit loans
  • - Pagtatalaga ng farmer clusters para sa “market integration”
  • - Pagtatag ng national database sa onion inventory
  • - Mas pinalakas na paraan ng distribusyon
  • - Monitoring sa Local Price Coordinating Council

Layon din nito ayusin ang logistics at value chain ng sibuyas na anila’y isa sa mga nagpapataas ng presyo ng paninda, pati na rin ang pagpapalakas sa farming technologies, mas pinadaling pagkuha sa credit loans, at pagkakaroon ng database sa inventory ng sibuyas.

Sinabi ng mga onion farmers, importers, at traders na bukod sa mga ito, importante rin na masilip ang pagtaas ng presyo ng production inputs tulad ng pataba at seeds, mataas na gastos para sa labor, mahal na marketing at distribution, pati na rin ng hindi tamang impormasyon sa onion inventory.

ADVERTISEMENT

“Sa ngayon wala pang pondo si project ORION pero ang intensyon niya is masolusyonan yung mga problema sa value-chain ng onions. So hindi lang natin pinag-uusapan dito ang cold storage facilities or post-harvest action. Kasama na dito ang production mismo nang sa ganun ay maabot natin ang self-sufficiency sa onions,” ani Roxas.

Nasa 100,000 metric tons ng sibuyas ang nasayang noong 2022 dahil sa kakulangan ng mga pasilidad sa cold storage at improper handling nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.