Kalibo International Airport, isinailalim sa lockdown hanggang Enero 21

Rolen Escaniel, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 10:00 AM | Updated as of Jan 20 2021 10:01 AM

Isinara ang paliparan para dumaan sa full disinfection matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 11 empleyado nito. Larawan mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines Kalibo

KALIBO, Aklan - Isinailalim sa lockdown ang Kalibo International Airport simula Enero 19 hanggang Enero 21 matapos mag positibo sa COVID-19 ang 11 empleyado noong nakaraang linggo.

Magsasagawa ng complete disinfection ang paliparan habang naka-lockdown para hindi na kumalat pa ang COVID-19 virus.

Kabilang sa mga ipinasara ang passenger terminal building, AARF station at CAAP Administrative office.

Muling magbubukas ang operasyon ng paliparan sa Enero 22, 2021.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.