Presyo ng sibuyas bumaba sa ilang pamilihan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng sibuyas bumaba sa ilang pamilihan

Reiniel Pawid,
ABS-CBN News
Published Jan 15, 2023 02:31 PM PHT
|
Updated Jan 15, 2023 08:13 PM PHT

MAYNILA — Bumaba ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila, base sa pag-iikot ng ABS-CBN News ngayong Linggo.

Magugunitang pumalo sa P600 kada kilo ang bentahan ng sibuyas kamakailan.

Pero bahagya nang bumaba ang presyo nito sa P350 sa Balintawak Market sa Quezon City, na ayon sa tinderong si Ely Baloro ay dahil sa ani mula Pangasinan.

Umaasa si Baloro na kung tuluyang gaganda ang bentahan ng sibuyas ay makababayad na siya ng inutang na puhunan.
Umaasa si Baloro na kung tuluyang gaganda ang bentahan ng sibuyas ay makababayad na siya ng inutang na puhunan.
ADVERTISEMENT
"Mas maganda ngayon kasi mas mababa na ang puhunan hindi ka gaanong magagahol," aniya.

Tiwala naman ang isa pang tindero na si Singko Borloso na babalik ang kaniyang mga suki, na ilang buwan ding hindi namili ng sibuyas.

May tinda na rin kasi siyang sibuyas mula Ilocos Norte na 150 pesos ang kilo.

Naglalaro naman sa P400 hanggang P500 ang kada kilo ng sibuyas, base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).

Narito ang presyo ng pulang sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila, ayon sa DA:

New Las Piñas City public market- P440-P500
Guadalupe Public Market- P380-P550
San Andres Market- P450
Quinta Market- P480
Pritil Market- P400
Marikina Public Market- P400-P480
Pamilihang Lungsod ng Muntinlupa- P400-P450
Pasay City Market- P370-P400
Pasig City Mega Market- P350-P450
Commonwealth Market- P380-P420
Muñoz Market- P350-P400
Mega Q Mart- P350
Malabon Central Market- P350-P450

Ayon naman sa Samahang Industrya ng Agrikultura (SINAG) nakikita nilang tuluyang bababa na ang presyo ng sibuyas dahil sa pag-ani sa mga probinsya.

Panahon na kasi ng anihan sa Pangasinan at Nueva Ecija, ayon kay SINAG President Rosendo So.

"Sa Bayambang, Pangasinan nakikita na natin may nagbebenta na ng ₱150/kilo 'yung pulang sibuyas and 'yung puti umaabot na ng 120. Sa Nueva Ecija rin 'yung puting sibuyas nasa 130-150, 'yung pula umaabot sa 180-200," ani So.

Pero nilinaw niya na hindi pa malaki ang volume ng naaaning sibuyas.

Narito ang ani ng sibuyas sa Pangasinan at Nueva Ecija ngayong Enero: (metric ton)

Bayambang- 6,000 MT
Other parts of Pangasinan- 3,000 MT
Nueva Ecija- 12,000 MT
Bayambang- 6,000 MT
Other parts of Pangasinan- 3,000 MT
Nueva Ecija- 12,000 MT
Nauna na ring inanunsiyo ng gobyerno na mag-aangkat ito ng higit 21,000 metric tons ng sibuyas para mapababa ang presyo nito.

Dagdag ni So, asahan umano ang mas maraming ani sa susunod na tatlong buwan.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
sibuyas
Price Patrol
agrikultura
price monitoring
Department of Agriculture
red onions
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT