Grupo nanawagang ipahinto ang pagpaparehistro ng mga SIM | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grupo nanawagang ipahinto ang pagpaparehistro ng mga SIM

ABS-CBN News
Published Jan 11, 2023 07:44 PM PHT

Kinalampag ngayong Miyerkoles ng isang grupo ang tanggapan ng National Telecommunications Commission (NTC) para ipahinto ang pagpaparehistro ng mga SIM.

Ayon sa grupong Junk SIM Registration Network, maraming Pilipino ang nahihirapan sa SIM registration dahil sa kakulangan ng ID, walang maayos na signal at hindi naman lahat ay naka-touchscreen phone, bukod pa sa pangamba sa data privacy.

"Itong SIM card registration law ay pahamak po sa mga mamamayan. Ito po ay pahirap po ito sa kanilang privacy," ani Maded Batara III, tagapagsalita ng grupo.

"Ang dami po namin natatanggap na report na hindi lang sila nahihirapan sa SIM registration Law, wala din po sila ID, hindi po nila ma-upload [ang] kanilang ID, kanilang selfie doon sa registration form," dagdag niya.

Hindi naman umano mababawasan ang cybercrime sa SIM registration, lalo't magbabago lang ang mga paraan ng mga scam.

Pero para sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center, bumaba na ang mga reklamo sa hotline 1326, na anila'y nangangahulugang mas nagiging maayos na ang proseso ng SIM registration.

Pinaplano na ngayon ang pagdadala ng assisted registration sa mga lugar na mahina o walang signal.

"We will be coordinating with them (telcos), which areas are remote, kasi pwedeng remote sa Smart, hindi remote sa Globe," ani NTC Officer-in-Charge Ella Blanca Lopez.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology, mahalaga ang data privacy at may parusa para sa mga lalabag nito.

Samantala, umabot na sa higit 17 milyon ang registered SIM o higit 10 porsiyento ng mga active SIM sa Pilipinas, ayon sa NTC.

Muling nagpaalala ang mga awtoridad laban sa mga pekeng registration site at mga nag-aalok ng online assistance na nagpapabayad.

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT