Hanjin sa Subic, may 3,000 empleyado na takot mawalan ng trabaho | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hanjin sa Subic, may 3,000 empleyado na takot mawalan ng trabaho

ABS-CBN News
Published Jan 11, 2019 08:50 PM PHT

Aabot sa 3,000 manggagawa ng South Korean shipyard firm Hanjin Heavy Industries Corporation (Hanjin) sa Pilipinas ang nangangambang mawalan ng trabaho.

Ang Hanjin ang pinakamalaking foreign investor sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at ang panglima sa pinakamalaking shipyard sa mundo.

Nagsumite ng petition for rehabilitation ang kompanya sa korte nang umabot ng US$412 milyon ang utang nito sa limang magkakaibang bangko sa bansa.

Bumaba rin daw ang kita ng shipyard dahil sa umano’y downtrend sa shipbuilding industry.

ADVERTISEMENT
Dahil dito, umaaray ang ilang manggagawa at ang kanilang kaanak tulad ni Bernadette Ochon, na umaasa sa kuyang nagtatrabaho sa Hanjin para may pangkain sila at ang 5 pa nilang kapatid araw-araw.

“Mahirap po.. kasi siya lang naman naghahanapbuhay sa amin. Yung Papa ko wala din namang trabaho,” aniya.

Idinaing din ito si Jerry De Jesus, na 7 taong hauler ng metal scrap sa shipyard.

“Talo kami, siyempre may pamilya kami. Kawawa din mga anak namin, wala na kaming pagkakakitaan eh,” aniya.

Ayon kay Department of Labor and Employment secretary Silvestre Bello, ginagawan na nila ng paraan kung paano makakatulong sa mga posibleng maapektuhan sa nangyari sa Hanjin.

“We are taking measures to cushion the impact of the legal move of Hanjin," ani Bello.

Nagtalaga din ng technical working group ang Region 3 office ng DOLE para sa profiling ng mga empleyado at matulungang makapaghanap ng trabaho ang mga apektadong manggagawa.

Bibigyan din ng livelihood assistance ng DTI at handa silang ilagay sa “Build, build, build” program ng gobyerno ang mga apektadong manggagawa ng Hanjin.

Nagkaisa naman ang limang bangko para mabawi ng Hanjin ang pagkautang sa kanila.

Sa ngayon, naghahanap na ng investor o grupo ang SBMA at board of investments na maaring magpatuloy sa operasyon ng kompanya.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kunin ang panig ng Hanjin pero hindi pa sila sumasagot.

--Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
business
trabaho
Trisha Mostoles
Department of Labor and Employment
Silvestre Bello
DOLE
labor
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT