PatrolPH

Ika-2 sunod na oil price hike asahan sa Enero 11

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2022 12:36 PM

MAYNILA— May inaasahang oil price hike sa Martes, sabi ng mga taga-industriya. 

Ito na ang ika-2 sunod na taas-presyo sa langis. 

Inaasahang taas-presyo sa langis: 

  • Gasolina - P0.75-P0.90/L
  • Diesel - P0.95-P1.05/L
  • Kerosene - P0.80-P0.90/L

Ang gasolina may P0.75 hanggang P0.90 kada litrong taas-presyo. 

Magkakaroon naman ng P0.95 hanggang P1.05 taas-presyo sa kada litro ng diesel. 

Samantala ang kerosene, may P0.80 hanggang P0.90 namang taas-presyo. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, ito ay dahil pa rin sa pagsipa ng demand sa langis at paghina ng palitan ng piso kontra dolyar. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.