Presyo ng petrolyo may malaking pagtaas sa Enero 4 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng petrolyo may malaking pagtaas sa Enero 4

ABS-CBN News
Published Jan 03, 2022 12:02 PM PHT
|
Updated Jan 03, 2022 07:04 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Malaking oil price hike ang sasalubong sa mga motorista sa unang linggo ng buwang ito, base sa anunsiyo ngayong Lunes ng mga kompanya ng langis.

Simula Martes, Enero 4, ipatutupad ng mga oil firm ang mga sumusunod na price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.85/L
DIESEL +P2.40/L
KEROSENE +P1.85/L
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.85/L
DIESEL +P2.40/L
KEROSENE +P1.85/L
Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)

ADVERTISEMENT
Petro Gazz, PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P1.85/L
DIESEL +P2.40/L
Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P1.85/L
DIESEL +P2.40/L
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, sumipa ang demand ng langis sa world market sa kabila ng pagkalat ng omicron variant ng COVID-19.

"Ang isang factor na nakadagdag ay 'yong forex, 'yong foreign exchange, kasi ang ipinambibili natin dolyar, so bumaba 'yong pagpapalit ng peso natin. Mas maraming kailangang peso para makabili ka ng imported product," paliwanag niya.

Nagpaalala naman ang Department of Energy na hindi puwedeng magtaas-presyo sa kerosene at dapat i-rollback ang liquefied petroleum gas sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Odette.

Samantala, 1 dosenang public utility vehicle at pribadong motorista ang natiketan ng Inter-Agency Council for Traffic dahil sa paglabag sa 70 porsiyentong kapasidad pati sa hindi pagsusuot ng helmet at seatbelt.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT