Dahil sa COVID-19 vaccine, mga negosyo inaasahang bubuti ang kita sa 2021 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dahil sa COVID-19 vaccine, mga negosyo inaasahang bubuti ang kita sa 2021

ABS-CBN News
Published Jan 02, 2021 06:50 PM PHT

MAYNILA - Tumaas ang kumpiyansa ng mga lokal na pamahalaan sa pagnenegosyo sa Pilipinas, batay sa pinakahuling survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa BSP, umakyat sa 37.4 porsiyento ang business confidence index para sa unang 3 buwan ng 2021, at sa 57.7 porsiyento para sa buong 2021.

Mas mataas ito kumpara sa 16.8 porsiyentong naitala ng BSP mula sa ika-3 kwadrado ng 2020.

Itinuturo ito ni BSP Director Redentor Paolo Alegre Jr. sa pagbubukas ng mga negosyo at pag-adjust sa new normal gawa ng pandemya.

Kaakibat din aniya nito ang mga balita tungkol sa pagpapabakuna, at mas maluwag na quarantine restrictions.

“The more buoyant outlook for the 1st quarter of 2021 was attributed to the following: reopening of firms and adapting to the 'new normal', gradual recovery from COVID-19 pandemic, particularly with the anticipated availability of the vaccine, more relaxed quarantine restrictions and a rise in sales and orders,” ani Alegre.

Nadagdagan din umano ang mga nagpaplanong magpalago ng negosyo sa 2021 mula sa sektor ng manufacturing, mining at utilities gaya ng kuryente, gas, at tubig.

Sa kabila nito, tingin ng Employers’ Confederation of the Philippines na may ilang sektor na hindi pa tuluyang makakabawi.

“‘May mga sektor na obviously, tuloy-tuloy ang improvement nila. Pero may mga sektor na palabo nang palabo, like ‘yung tourism, for instance. ‘Yung mga restaurants, even sports, pahirap nang pahirap. Pababa nang pababa ‘yung confidence nila in that area. Tingin nila, dalawang taon, hindi pa sila magno-normalize,” ani ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr.

Para naman kay Philippine Chamber of Commerce and Industry Chairman Alegria Limjoco, baka sa ika-2 quarter pa ng taon magsisimulang makabawi ang mga negosyo.

“Unless the vaccine is there, they are afraid to go out. But since the vaccine is really coming in second quarter, we feel that they will find the confidence to go out again… We really believe there is no way but for all businesses to go up next year. When we say go up, including jobs. We will create jobs,” ani Limjoco.

Ilan naman sa nakikita ng JobStreet Philippines na trabahong magbubukas sa susunod na taon ay nasa larangan ng susunod:

- Accounting
- Admin at HR
- Banking and Finance
- Construction
- Engineering
- I.T.
- Management
- Marketing
- Public Relations
- Sales at Customer Services
- Transportation and Logistics
- Accounting
- Admin at HR
- Banking and Finance
- Construction
- Engineering
- I.T.
- Management
- Marketing
- Public Relations
- Sales at Customer Services
- Transportation and Logistics
Ayon naman sa DOLE, kasamang magbubukas sa 2021 ang mga trabahong may kinalaman sa business process outsourcing, manufacturing at agri-business.

Mas titingnan din umano ng mga employer sa mga naghahanap ng trabaho ang kakayahan, karanasan, at pag-uugali kasama na ang abilidad na makapagtrabaho sa kabila ng mga pagsubok, gaya ng pandemya. — Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
bakuna
COVID-19 vaccine
business outlook
negosyo
businesses
business outlook for 2021
business continuity index
employment
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT