VIRAL: Batang ipinang-ulam ang chichirya, gustong maging pulis

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2017 12:19 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Kumalat sa social media kamakailan ang video ng batang si Joshua Lintad, isang estudyante na kumakain ng chichirya at kanin.

Si Joshua ay isang grade 1 student sa Tud-ol Elementary School sa Butuan City.

Ayon sa kanyang guro na si Junel Mascariñas, pinili niyang i-upload ang mga larawan ni Joshua para may mga taong tumulong sa bata.

Ayon sa bata, gusto niyang maging pulis paglaki niya.