VIRAL: 2-taong bata iniwanan sa sasakyan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: 2-taong bata iniwanan sa sasakyan

ABS-CBN News
Published Jul 09, 2018 08:52 AM PHT
|
Updated Jul 09, 2018 05:25 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nag-viral sa social media ang video ng isang bata na iniwan umano ng kaniyang mga magulang sa loob ng sasakyan sa labas ng isang bar sa Pasig City, Linggo ng madaling-araw.

Patay ang makina ng sasakyan at may maliit lang na siwang sa bintana, kuwento ni Jasper Pascual, na nakakita sa batang nasa 2 o 3-taong-gulang at kumuha ng video sa lagay nito.

"Pawis na pawis na [ang bata], iba ang iyak ... Ang gulo ng thoughts ko, balak ko basagin [ang bintana], pero baka tamaan ang bata. Pero sabi ko kapag 'di dumating parents, babasagin ko na rin siguro pero sa likod," sabi ni Pascual sa panayam ng ABS-CBN News.

Nasa 10 minuto aniya ang pagitan mula nang madiskubre ang bata sa loob ng Toyota Fortuner at nang makahingi ng tulong si Pascual, pero posible umanong mas matagal pang nasa loob ng sasakyan ang bata.

ADVERTISEMENT
Hindi na nakuhanan ng video ang pagdating ng mga magulang, pero sinabi ni Pascual na nagalit pa ang mga ito sa guwardiyang tumulong sa kaniyang makuha ang bata.

Kaagad aniyang umalis ang pamilya matapos ang komprontasyon.

Posible namang maharap ang mga magulang sa kasong child abuse, sabi ni Social Welfare Secretary Virginia Orogo.

Inatasan na aniya ang mga social worker para hanapin ang mga magulang na bata. Kung mapapatunayan walang kapasidad ang mga itong alagaan ang kanilang anak, maaari aniyang isailalim ang bata sa kustodiya ng kaniyang ahensya. -- Ulat nina Ernie Manio at Raphael Bosano, ABS-CBN News