Manila-Cavite Road sarado dahil sa abot-dibdib na baha | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manila-Cavite Road sarado dahil sa abot-dibdib na baha

Manila-Cavite Road sarado dahil sa abot-dibdib na baha

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 12, 2017 12:06 PM PHT

Clipboard

Manila-Cavite Road sarado dahil sa abot-dibdib na baha
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA - Isinara sa mga motorista Martes ang Manila-Cavite Road dahil sa baha na nagpalubog sa ilang bahagi nito.

Binaha ang naturang lansangan at malaking bahagi ng Noveleta, Cavite nang umapaw ang Ilang-Ilang River sa kasagsagan ng malakas ng ulan na dala ng Bagyong "Maring," ayon kay Noveleta Mayor Dino Reyes Chua.

"Kanina pong bandang alas-3 ng madaling-araw, umapaw po ang ilog, iyung ating Ilang-Ilang River. D'yan po nanggaling ang malakas na agos ng tubig-baha," ani Chua sa panayam ng DZMM.

Dagdag ng alkalde, nasira ang breakwater ng ilog kaya umapaw ito.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, umabot hanggang dibdib ang baha sa ilang bahagi ng Manila-Cavite Road at Noveleta, kuwento ng ilang residente sa DZMM Radyo Patrol.

Nahuli naman sa baha ang isang sawa na nasa 7 hanggang 8 talampakan.

Una nang nagbabala ang PAGASA na magdadala si Maring ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa Bicol, Calabarzon, Mimaropa, Metro Manila, Central Luzon, at Pangasinan.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Quezon- Aurora area martes ng hapon.

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center.

DZMM, 12 Setyembre 2017

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.