Lalong pagsipa ng presyo ng langis, nagbabadya bunsod ni 'Harvey' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalong pagsipa ng presyo ng langis, nagbabadya bunsod ni 'Harvey'

ABS-CBN News
Published Sep 05, 2017 01:35 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Araw-araw nang sumasakay sa Uber o Grab si Joane Abelarde kahit may sariling kotse naman siya.

Iniiwan na lang daw niya ang sasakyan sa bahay dahil sa walang humpay na dagdag-presyo sa petrolyo.

Mula Hulyo 25, umaabot na sa P3.65 ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina habang P2.35 naman sa kada litro ng diesel.

Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang pagsasara ng 11 oil refinery sa Texas, U.S.A. dahil sa epekto ng hurricane "Harvey".

Sa tantiya rin ng mga independent oil player, dapat nang maghanda ang mga motorista sa mga kasunod pang oil price hike sa mga susunod na linggo.

Pati ang LPG, muli ring tumaas ng P2.74 kada kilo o katumbas ng P30.14 kada 11-kilogram na tangke.

Kaya umaaray na rin ang mga may karinderya lalo't pumapalo na ng hanggang P710 ang presyo ng regular na tangke ng LPG.

Ang problema, lalo pang tataas ang presyo ng petrolyo kapag lumusot na sa Kongreso ang pagpapataw ng excise tax sa mga walang excise tax ngayon na diesel, kerosene, at LPG.

Aabot ng lagpas P6 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel at gasolina kapag tuluyang naaprubahan ang pagpapataw ng bagong excise tax.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT