PANOORIN: Labi ni Kian, papunta na sa simbahan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Labi ni Kian, papunta na sa simbahan

PANOORIN: Labi ni Kian, papunta na sa simbahan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 26, 2017 08:28 AM PHT

Clipboard

PANOORIN: Labi ni Kian, papunta na sa simbahan
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Inilabas na ang kabaong ni Kian Delos Santos mula sa kanilang bahay para dalhin sa St. Francis of Assisi and Sta. Quiteria Parish sa Caloocan City.

Sakay ng isang multicab na ginawang karo ang mga labi ng binatilyong pinatay ng mga pulis sa isang operasyong kontra-droga sa Caloocan City noong Agosto 16, 2017.

Isang misa ang gaganapin sa simbahan para kay Kian bago siya tuluyang ihatid sa kanyang huling hantungan sa La Loma Cemetery.

Isang tarpaulin ang nakasabit sa gilid ng karo na nakasulat na "Run, Kian, Run". Ang harap naman ng karo ay may malaki niyang litrato.

ADVERTISEMENT

Sinabayan naman sa paglalakad ang mga magulang at kamag-anakan ni Kian ng kanyang mga kapitbahay, mga kaibigan, mga kaklase at mga taga-suporta.

Nakatakdang idaan muna ang kanyang mga labi sa tapat ng Police Community Precinct-7 ng Caloocan City, kung saan nakatalaga ang tatlong pulis na umanong nasa likod ng pagpatay sa binatilyo. DZMM, 26 August 2017

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.