Pagsabit ng trak sa kawad, nagdulot ng kawalan ng kuryente sa Litex | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsabit ng trak sa kawad, nagdulot ng kawalan ng kuryente sa Litex

Pagsabit ng trak sa kawad, nagdulot ng kawalan ng kuryente sa Litex

ABS-CBN News

Clipboard

Pagsabit ng trak sa kawad, nagdulot ng kawalan ng kuryente sa Litex
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nawalan ng kuryente ang kahabaan ng Litex Road at ang buong Litex Market sa Barangay Commonwealth, Lungsod Quezon dahil sumabit sa isang kawad ng telepono ang isang 14-wheeler trailer truck madaling araw ng Miyerkoles.

Tatlong poste ang bumagsak sa pagsabit ng truck ng KKK trucking na minamaneho ni Renato Orio.

Bumibiyahe na sana si Orio papalabas ng Commonwealth Avenue mula San Mateo alas-3 ng madaling araw ngunit hindi na niya napansin ang kawad ng telepono na nakalaylay sa Litex Road, ayon kay Orio.

Dahil sa pagkakasabit, nahila ang iba pang kawad kaya naputol ang tatlong poste, na nagdulot ng pagkawala ng kuryente ang buong Litex Market pati ang kahabaan ng Payatas Road.

ADVERTISEMENT

Ayon sa tauhan ng Barangay Commonwealth, may reports silang natanggap na hanggang sa ilang lugar sa Montalban ay naapektuhan ng insidente.

Nagdulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue, partikular na sa Litex. Ang mga papalabas naman ng IBP Road sa Litex ay pinapag-U turn na lamang at pinababalik sa Batasan Road.

Naibalik naman na kaninang umaga ang suplay ng kuryente sa Payatas Road hanggang sa ilang lugar sa Montalban Rizal.

-- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.