KILALANIN: Real-life 'Tonyo' at 'Lea' ng 'Kita Kita'

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2017 10:59 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Pinatunayan ng mag-asawang si RG at Jessel Sayson ang kasabihang "love is blind."

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2004. Hindi man kaagad na nahulog ang loob ni RG kay Jessel, naramdaman umano nilang dalawa na parang itinadhana sila para sa isa't isa.

Dahil sa congenital cataract, ipinanganak na hindi nakakakita si Jessel. Sa kabila nito, masugid siyang niligawan ni RG.

Sa ngayon, 10 taon nang kasal ang dalawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.