Sisig at lechon, gustong ipatikim ni Anthony Bourdain sa buong mundo

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2017 12:26 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nataon sa kaguluhan sa Resorts World at Marawi ang pagbisita rito sa bansa ng sikat na TV host na si Anthony Bourdain. Ikinalungkot man niya ang mga insidente, hindi naman siya nabagabag sa mga pangyayari. Sa kaniyang pagbisita sa bansa, target ni Bourdain na mag-recruit ng food vendors na puwedeng makibahagi sa kaniyang street food market sa New York. Naniniwala siyang panahon na para matikman ng buong mundo ang ating lechon at sisig. Nagpa-Patrol, Ces Oreña-Drilon. TV Patrol, Biyernes, 02 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.