'Tawag' Grand Finals: Mga hurado, madlang pipol napatayo sa performance ni Janine Berdin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tawag' Grand Finals: Mga hurado, madlang pipol napatayo sa performance ni Janine Berdin

'Tawag' Grand Finals: Mga hurado, madlang pipol napatayo sa performance ni Janine Berdin

ABS-CBN News

Clipboard

'Tawag' Grand Finals: Mga hurado, madlang pipol napatayo sa performance ni Janine Berdin
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi napigilan ng madlang pipol at ng mga hurado sa "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" nitong Sabado ang mapatayo sa performance ni Janine Berdin na tubong Cebu.

Kinanta ng 16 anyos na si Berdin ang "Nosi Ba Lasi," ang 1989 hit song ng OPM legend na Sampaguita.

Napaluha pa si Berdin sa naging pagtanggap ng madlang pipol sa kaniyang performance.

"Nao-overwhelm po ako kasi ito 'yung pangarap ko. Pinapangarap ko po ito dati pa... I love music po talaga kaya salamat for appreciating what I love," ani Berdin.

ADVERTISEMENT

Sa kanilang mga komento, walang sinabi kung hindi mga papuri ang mga hurado sa naging performance ni Berdin.

"Amazing! Amazing! Sobrang organic, sobrang fresh, sobrang heartfelt... Ibang klase ang dating mo," ani hurado Billy Crawford.

"Parang dinala mo to the next level... We are so proud of you," ayon naman kay hurado Yeng Constantino.

Mapapanood ang "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" live sa YouTube channel ng "It's Showtime."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.