Military, pulis, at MILF, nagpaligsahan sa mud run | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Military, pulis, at MILF, nagpaligsahan sa mud run

Francis Canlas,
ABS-CBN News
Published Nov 03, 2017 03:43 AM PHT

SULTAN KUDARAT - Naging battlefield ng mga militar, pulis, Moro Islamic Liberation Front, at mga magsasaka ang palayan sa bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat.

Nagsagutan sila ng chants, lumublob sa putik, at nag-unahan sa paggapang.

Hindi rin nawala ang pagsabak nila sa obstacle course at pagtakbo habang karga-karga ang mga kasamahan.

Nanaig sa kompetisyon ang liksi at bilis ng grupo ng 1st Reaction Platoon ng 33rd Infantry Battalion na itinanghal na kampeon sa 1st Makabayan Mud Run kaya inuwi nila ang P5,000.

Pangalawa naman ang Charlie Company, pangatlo ang Bravo Company, at ikaapat ang MILF.

“Ang pinaka-main purpose ng mud run sa kapayapaan ay ma-establish namin yung comradeship ng iba’t ibang security forces. So, ito’y pagpapakita na nagkakaisa ang lahat kung ang ating layunin tungo sa kapayapaan,” sabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Infantry Battalion.

Naging makabuluhan naman ang karanasan ng grupo ng MILF dahil sa kabila umano ng giyera ay pwede naman palang magsama ang magkasalungat na grupo.

“Ito’y isa sa mga ginagawang nagpo-promote ng peace between government and MILF. So, maganda itong ginawa ni bat com (battalion commander) kasi nakikita natin ang pagkakaisa,” sabi ni Abdurahim Molilis ng MILF.

Plano ng grupo na mas palawakin pa ang paligsahan para mahikayat ang iba na sumali para isulong ang kapayapaan.

Read More:
Regional news
Tagalog news
mud run
President Quirino
Sultan Kudarat
Philippine Army
Philippine National Police
PNP
Moro Islamic Liberation Front
MILF
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT