VIRAL: Jeep na may libreng wi-fi, videoke aliw ang hatid sa mga pasahero | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Jeep na may libreng wi-fi, videoke aliw ang hatid sa mga pasahero

VIRAL: Jeep na may libreng wi-fi, videoke aliw ang hatid sa mga pasahero

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Kung titingnan mula sa labas, aakalain mong ordinaryo lang ang jeep ni Rudy Avila. Kaya naman pagsampa ni Mar Fernandez sa loob ng sasakyan, nagulat siya sa kanyang nakita.

Bukod sa mga buzzer na mapipindot kapag bababa ang pasahero, may CCTV, may videoke at libreng wi-fi pa ang jeep na biyaheng Baclaran-Sucat.

Larawan mula kay Mar Fernandez para sa ABS-CBN News

"Initial reaction ko, baka 'yong rate ng fare ng jeep is parang fare sa FX," kuwento ni Fernandez sa ABS-CBN News, matapos mag-viral sa social media ang post niya tungkol sa astig na jeep.

Ayon kay Fernandez, gabi ng Agosto 31, Huwebes, nang masakyan niya ang jeep sa Sto. Niño, Parañaque. Galing aniya siya ng trabaho at pauwi na Lucena para sa long weekend.

ADVERTISEMENT

Matindi aniya ang trapik pa-Sucat pero dahil sa videoke at wi-fi, halos hindi na niya naramdaman ang kinaiinisang trapik sa naturang lugar.

"Seriously, natuwa ako. Hindi ko nga namalayang lumagpas na 'ko sa kinaiinisan kong highway na ma-traffic," ani Fernandez, na nakapag-update pa ng phone system dahil sa mabilis na internet.

Larawan mula kay Mar Fernandez para sa ABS-CBN News

Ang matindi pa, dagdag ni Fernandez, libre na ang pasahe para mga pasaherong maglalakas-loob na kumuha ng mikropono at bumirit sa videoke sa loob ng jeep.

"Napahiling ako na sana maganda boses ko or malakas loob kong kumanta para makalibre, sayang din yong P15 mula Sto. Nino to Sucat," biro pa ni Fernandez.

Dahil hindi na nakakanta, tumutok na lang sa pagbibidyo si Fernandez kung saan nakunan pa niya ang isang pasaherong kumakanta ng "Wildflower" ng Canadian band na Skylark.

Sa ngayon, aabot na sa 23,000 Likes at halos 30,000 shares sa Facebook ang post ni Fernandez ukol sa jeep. Nakarating naman ang positibong reaksiyon sa may-ari ng jeep na si Avila.

Lumalabas na si Avila ay isa pa lang Kagawad sa isang barangay sa Parañaque. Sabi ni Fernandez, nagpadala na ng mensahe sa Facebook si Avila para magpasalamat sa kanyang post.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.