Batang nag-aaral sa daan, nagsusumikap para sa pamilya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ABS-CBN News
Published Aug 14, 2016 10:45 PM PHT
|
Updated Jun 09, 2017 04:38 PM PHT

Nauna nang kumalat ang larawan ng isang batang nag-aaral sa tabi ng kalsada sa Calinan, Davao City.

Hinanap ng "Rated K" si Luxary Lumabong, ang pitong taong gulang na bata na nag-aaral sa ilalim ng poste ng ilaw sa tabi ng kalsada. Ayon sa kanya, pinili niyang gawin iyon dahil walang kuryente sa kanilang bahay.

Ayon sa ama ni Luxary na si Lauro, kulang ang kanyang kinikita bilang isang pahinante sa sakahan para ipambayad sa kuryente.

Inspirasyon ni Luxary ang pagpupursige ng kanyang ama para pagsikapan rin ang kanyang pag-aaral.
Inspirasyon ni Luxary ang pagpupursige ng kanyang ama para pagsikapan rin ang kanyang pag-aaral.
ADVERTISEMENT
"Para makatulong sa aking pamilya," ani Luxary nang tanungin kung bakit siya nagsisipag sa pag-aaral.

Upang makatulong sa pamilya ni Luxary, binigyan ng "Rated K" si Luxary ng iba't ibang regalo, tulad na lamang ng isang solar lamp na kanyang magagamit sa pag-aaral.