Talento ng kambal na beatboxer, patok sa social media | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Talento ng kambal na beatboxer, patok sa social media

Leleth Rumaguera,
ABS-CBN News
Published Jun 12, 2018 05:03 PM PHT

CARCAR CITY, Cebu - Sikat ngayon sa social media ang video ng kambal sa Carcar City, Cebu na nag bi-beatbox.

Sila sina Joemar at Jake Canencia na mag-aaral sa Grade 7 sa Tal-ut National High School.

Binisita ng ABS-CBN News ang bahay ng kambal sa Valencia, Carcar City, mahigit 30 minuto mula sa national highway.

Ayon sa ina nito na si Yda Canencia, bata pa lang ang kambal ay mahilig nang mag-beatbox ang dalawa. Sa ngayon ay may iba’t-ibang kanta na silang sinasanay.

ADVERTISEMENT
Ulila na sa ama sina Joemar at Jake, at ang tumutugon sa mga gastos sa kanilang pang araw-araw na gastusin ang kanyang ina at lola na si Disocora.

Araw-araw silang nangangahoy para sila ay may makain at may pambayad ang pamilya sa pag-aaral ng kambal. Ayon kay Yda, pinapatigil na sana nila ang kambal sa pag-aaral dahil kapos sila sa pera pero ayaw pumayag ng dalawa.

Makatapos ng pag-aaral, makapagtrabaho at maging drummer ang pangarap ng dalawa.

Nakatanggap din sila ng bags at school supplies mula sa ABS-CBN Sagip Kapamilya.