Graduation parody ng 'Hayaan Mo Sila' patok sa YouTube | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Graduation parody ng 'Hayaan Mo Sila' patok sa YouTube

Graduation parody ng 'Hayaan Mo Sila' patok sa YouTube

Jaehwa Bernardo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 01, 2018 05:09 PM PHT

Clipboard

Patok sa Youtube ngayon ang isang parody video ng kantang "Hayaan Mo Sila" ng Filipino hip-hop collective na Ex Battalion.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinamagatang "Gagraduate Na Sila," tinatalakay ng parody song ang buhay ng isang tamad na estudyanteng mistulang naiwan na sa kolehiyo habang ang kaniyang mga kaibigan ay magsisipagtapos na.

Inilabas ang parody video noong Marso 17 sa YouTube channel na Masters Of Kung Food at ngayo'y may higit 320,000 views na.

Pero iba ang music video sa mga karaniwang video na inilalabas ng channel, na pawang mga food review at challenge.

ADVERTISEMENT

"Naglalakad kasi ako to work one day eh pinapakinggan ko yung song na 'Hayaan Mo Sila,' Tas bigla kong naisip 'yong line [ng chorus sa parody]," sabi sa ABS-CBN News ni Chinoy Aller, isa sa mga may-ari ng Masters Of Kung Food.

"Sobrang spur of the moment idea n'ya," dagdag ni Aller, isang 27 anyos na mobile app developer.

Kabilang sa lyrics ng kanta na sumasalim sa buhay kolehiyo ng iilan ay ang pagkuha ng removal exam, at paglalaro ng computer games at pagbababad sa social media sa halip na mag-aral.

Inabot ng halos tatlong linggo ang pagbuo sa kanta at pag-shoot ng music video, na pinagbidahan ng ilang kaibigan ni Aller at kinuhanan sa kanilang alma mater na University of the Philippines-Los Baños.

Hindi inakala ni Aller na, gaya ng orihinal na kanta, marami rin ang tatangkilik sa kanilang video.

"Nag-hope kami na sana marami manood. 'Di ko masyado in-expect na 300,000 kasi 7,000 'yong highest viewed video namin before namin in-upload 'yan," aniya.

"Siguro kasi maraming naka-relate? 'Yun karamihan ng comments eh, 'Natamaan ako!' or 'Parang ako lang 'to ah.'"

May ilang Facebook page na rin ang nag-repost ng video subalit inireklamo nina Aller dahil hindi sila nabigyan ng proper credit o wastong pagkilala.

Nais iparating ni Aller sa kanilang mga tagapakinig, lalo sa mga estudyante, ang pag-aaral ng mabuti.

"Mag-aral kayo nang mabuti para mataas [ang scores sa] exams at matuwa magulang ninyo," sabi niya.

Noong Enero, pumalo ang "Hayaan Mo Sila" ng Ex Battalion sa ikalawang puwesto ng Philippine Top 20 chart ng music publication na Billboard, kahanay ang mga awitin ng Kapamilya stars na sina Moira Dela Torre, Iñigo Pascual, Darren Espanto, at KZ Tandingan.

Nobyembre nang unang ilabas ng hip-hop group ang "Hayaan Mo Sila," na tungkol sa pagpayo ng isang lalaki sa kapuwa lalaking nagdadalamhati matapos iwanan o saktan ng isang babae.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.